JAPAN
HANA'S POV
Nanlaki ang aking mga mata na makita kong nasa harapan si Selena na malapad ang ngiti.
"Y-You're s-still a-alive?" nabubulol na tanong ko sa kanya.
Natawa ito ng malakas.
"Anong klaseng tanong iyan, my sweet Hana?" at umupo ito sa tapat ko.
Napailing ako sa pagkakasambit nito. "B--But."
"I'm still alive and healthy."
"How? Hindi kita ma-contact. Tapos magpapakita ka sa akin bigla-bigla, sino hindi magugulat? "
Natawa ito ng malakas. "Oo nga pala,hate mo ang surprises."
"I'm curious. Paano mo nalaman na nandito ako sa Japan? What happened to you? Kumusta na kayo ng Boyfriend mo?"
"We broke up." malungkot na saad nito. "Paano ko nalaman nandito ka? Connections."
"Bakit kayo nag break?"
"It's a long story. Aabutin tayo ng 1-week kung iku-kuwento ko sa iyo lahat."
Tumango na lamang ako at hindi na ito pinilit pa.
Tinignan ko ng marahan si Selena.
Parang anghel ang mukha nito sa kagandahan at hindi na nakakapagtaka na habulin/pag agawan ito ng mga lalaki.
Paano ko siya naging kaibigan?
Nasa Japan ako noon at nagbabakasyon, na may humarang sa akin na mga nakakatakot na kalalakihan.
Tamang tama napadaan doon si Selena, tinulungan niya ako.
Wala itong ginawa, tinignan lang niya ng masama ang mga ito. Mukhang natakot ang mga iyon at nagtakbuhan.
Hindi naman siya mukhang gangster pero pagkakaalam ko may kapit ito sa isa sa malakas na gangster na namumuno noon sa Japan.
Two years ago. 'Yan ang huling usap namin. Tumawag ito sa akin noong nasa palace pa ako, umiiyak ito na walang tigil.
Pagkatapos noon. hindi na ito nagparamdam pa.
Kaya nagulat pa ako na makita ito sa harap ko.
What happened Selena? Ano nangyari sa iyo sa Pilipinas?
Nakangiti ito sa akin. "Bakit ganyan ang tingin mo?"
"Ah?" nagulat ako sa pagtatanong nito. "Lalo ka kasi gumanda ganyan ba nagagawa ng pag ka single?"
Bahaw na tumawa ito ng malakas. "Naghahanda lang ako sa pagbabalik ko."
"Pagbabalik?"
"I'm going back to the Philippines. Sama ka sa akin."
"What? Are you nuts? Naalala mo yung tinawagan mo ako 2 years ago? Maghahanap ka lamang ulit ng sakit."
"No. I'm serious."
"So..What do you want? Bakit kailangan mo bumalik sa Pilipinas?"
"I want Revenge."
"Eh? Revenge? Are you crazy?" ulit na tanong ko.
Ngumiti ito ng makahulugan at tumingin sa malayo. "The only way to ease my pain."
Hindi na ako nagtanong pa.
Kitang kita ko sa mga nito ang sakit na hindi ko maipaliwanag.
PHILIPPINES
ANGEL'S POV