BELLA'S POV
"Alam mo bang hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mong pagta-traydor sa amin..............................Red Butterfly!" galit na wika ko sa kanya.
"Pagta-traydor?" ani ni Selena at malditang nginisihan siya nito. "Have I ever betrayed anyone? I just fell in love, Bella. I never thought that I added fuel to the fire."
"You never thought? Simula pa lang Selena, alam mo na dahil planado mo ang lahat. Hanggang ngayon hindi ko alam kung ano ang ginawa kong mali at kung bakit ka nagkaganyan." malungkot kong saad.
"Stop acting Bella. I don't need your pity shit!" inis na sigaw nito sa akin.
Matagal kami nagkatitigan nito bago ako nagsalita muli. "The crime.... that you've committed. remember Selena?"
"Crime? Baka ang ibig mong sabihin Bella. Ang krimen na ginawa mo sa pagpatay sa Ex-Boyfriend ko na si Dash Lorenzo. Naaalala mo pa ba ang nangyari?"
Naging mailap ang aking mga mata sa binanggit nitong pangalan at naglakbay ang aking isip sa nangyari na dalawang taon na nakakaraan.
TWO YEARS AGO
JAPAN
BELLA'S POV
Mabilis kong pinaharurot ang aking baby bike papuntang river. Nandoon ang Shinigami Gang at nagkakaroon na naman ng laban. Napapailing ako sa nangyayaring laban ngayon..
Hininto ko ang aking motorbike at hinubad ang aking helmet. Napataas ang aking kilay na masilayan na mukhang tapos na ang laban. Dahil kitang kita ko kung paano punitin ni Selena ang simbolo ng isang gang. Napalingon ako sa kaliwa ko na mapansin na may naglalampungan at napailing na lamang ako na mapagsino ito, walang iba kundi si Kuya Rei na nakikipaghalikan sa isang haponesa na babae na may malaking boobs.
Sure, akong may mawawasak na naman na puso. Bumaba ako sa aking baby bike at lumapit sa kinaroroonan nila.
"What's mine is mine. What's yours is also mine."
Napangiti ako sa nagsalita at nilingon ko ito.
Si Selena ang aking bestfriend. Matagal na kami magkaibigan, nakilala ko ito noong middle school kami. Opposite kaming dalawa pero masaya ako at nagkasundo kami kahit na may pagkakaiba kami.
Napailing ako sa motto nito. Kakaiba talaga ito mag isip. Nilapitan ko sila at nagsalita.
"What's mine is mine. What's yours is yours. I think iyon ang tama, Selena-chan." nakangiting sambit ko.
Lahat sila ay gulat na gulat na lumingon sa direksiyon ko.
Napangiti ako na makitang kinabahan ang mga ito. Bakit?
Dahil walang permiso sila sa akin na makipaglaban sa isang gang.
Samantala si Selena ay sandali lang ito nagulat at napalitan ng matamis na ngiti ang mga labi nito habang umiling-iling.
"Ano ginawa mo sa mahabang buhok mo, Bella?" tanong ng baritonong tinig.
Nakangiting nilingon ko ito. Isang lalaki na may suot na eyeglasses at may hawak na libro sa kanang kamay nito ang aking nabungaran, walang iba kundi ang favorite kong guy sa lahat, si Taki Saisuke. Napangiti ako na makitang nakasimangot ito.
Hinawakan ko ang aking buhok at sinuklay-suklay ito gamit ang aking mga daliri. "Hindi ba maganda? Ito daw ang bagong hairstyle ngayon sabi ng beautician." nakangiting saad ko.
"New hairstyle?" kunot-noong tanong sa akin ni Taki. "Kailan pa?" takang tanong nito.
Takang-taka ako na napatingin dito.