TRACE POV
Nakita ko ang doktor na lumabas sa operating room.
"Doc, how was she?" tanong ni Jarvis dito.
"To tell you honestly, she's not okay. Madaming dugo ang nawala sa kanya, she needs blood."
"I am willing to give her blood." biglang sambit ni Jarvis.
"Not that easy, Mr. Fortalejo. We should check your blood first if you have the same blood type. B ang blood type niya and it's hard to find."
"Oh Shit. Sino'ng blood type B sa inyo?" tanong niya sa amin.
Iisa ang sagot naming lahat, at ito ay ang pag-iling.
"Damn." sabi niya. Alam kong balisa si Jarvis dahil dito.
Pinaupo muna ni Nathe si Jarvis at natanaw naming naglalakad si Alex sa hallway ng ospital.
"Wag mo ng tangkaing lumapit kay Bella, coz I won't let you lay a hand on her again." galit na sambit ni Jarvis kay Alex.
"Emp, I know you're mad but please calm down. Narinig ko ang paguusap nyo ng doktor and I want to help. My blood type is AB. Let me help para makabawi naman ako sa'yo and kay Bella." mahinahong wika ni Alex.
Pumayag si Jarvis dahil desperado na siyang magkaroon ng blood donor para kay Bella.
ALEX POV
Pinayagan ako ni Jarvis, buti na lang at magkakaroon ako ng pagkakataon na makausap si Bella tungkol sa sinasabi sa akin ni Xander.
My bed lies beside Bella's, table lang ang pagitan.
Sinimulan na nila akong kuhanan ng dugo, medyo bumigat ang aking pakiramdam, tingin ko'y madaming nakuhang dugo sa akin.
Umidlip muna ako dahil sa aking pakiramdam, na-guilty ako dahil sa nangyari kay Bella.
Dahil ako ang nakaisip na kidnapin ito ni Xander kaya kasalanan ko kung bakit siya naririto.
Bella kissed me and said that she loves me.
I apologized to her.
She hugged me tight enough to fill my emptiness.
She looks so happy then.
Sayang, nagising agad ako at hindi na maibalik ang panaginip kong iyon. Siguro'y dahil sa palagiang pag-isip ko sa kanya at hindi pa rin nawawala ang pagkagusto ko sa kanya.
Pagmulat ng mata ko'y tinignan ko agad si.. Bakit wala si Bella?
Bigla akong bumalikwas sa hinihigaan ko, nahilo ako kaya napahiga ulit. Tumawag ako ng nurse at tinanong kung nasaan na si Bella.
Inilipat lang pala siya ng room dahil ico-confine siya.
Nagpa-assist ako sa nurse para tignan si Xander. Tapos ng tahiin ang kanyang mga sugat at maaari na siyang makalabas ng ospital.
Ang problema lang, ayaw niya pa dahil gusto niya pa ring makausap si Bella.
Nagpaconfine na lang din si Xander sa tabing kuwarto ni Bella. Doon na lang siguro kami maghihintay ng pagkakataong malapitan siya.
"Kumusta kana?" tanong niya sa kanyang kakambal.
"Okay naman ako." matipid na ngiti nito at tumingin sa labas ng bintana.
"Ano iniisip mo?" tanong niya dito.
"Si Bella............... ang spinning slash niya................... katulad sa first love ko...." seryosong sambit nito.