JARVIS POV
"We meet again Emp", sabay na sambit ng mga ito.
Dahil sa gulat ko sa nakita, nabitawan ko si Bella, bakit dalawang PANTHER ang nakikita ko?
"Alexander" mahinang sambit ko.
"Yeah, siya si Alex at siya naman si Xander, so magkakilala kayo?" kunot noong tanong ni Bella.
Ngumiti lamang ang dalawa. Natigilan naman kaming lahat.
"Ano pinaplano mo Panther?"
"Mukhang hindi niyo expected ang paglipat namin dito ngayon, shock pa rin kayo." sambit ng isangkambal, si Alex yata iyon.
"Pare... kumusta, long time no see ah." pilit na natatawang wika ni Jace.
Nagkatinginan ang kambal at lumapad ang mga ngiti nito. "Mauna na kami, see you around BlackDragon Gang...."
Lumakad ang mga ito patungo sa direksiyon ko.
Tumigil ang kambal sa gilid ko.
"Ingatan mo siya"
"Sayang, Hindi ka na namin pagbibigyan...."
Naikuyom ko ang aking kamao sa sinabi ng kambal. At tuluyan na umalis ang mga ito na tumatawa.
"Pare." tapik ni Fuji sa akin.
"Ihatid mo muna si Bella sa kanila, kita na lang tayo sa headquarters natin." wika ni Rain.
Tumango lamang ako.
Na mapatingin ako kay Bella, nagtatanong ang kanyang mga mata.
"Halika na, ihahatid na kita sa inyo..." wika niya dito.
Tumango lamang ito.
BELLA'S POV
Tahimik kami pareho sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kanina ang nangyayari, pero iba talaga ang tensiyon sa pagitan ni Jarvis at sa kambal.
"Magkaaway ba sila? Mukhang hindi naman.."
"We're here", basag ni Jarvis sa katahimikan.
Napatingin ako sa labas ng bintana. Ang bilis naman.
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas. Nilingon ko si Jarvis na nakaupo pa rin sa driver's seat na walang kibo.
Napabuntong hininga na lamang ako. "Bye" mahinang sambit ko dito.
Nang buksan ko ang gate ng bahay, na may humila sa akin.
Nagulat ako na makita si Jarvis ito.
Niyakap ako nito ng mahigpit.
Nabigla ako sa ginawa nito.
Hindi ko alam, pero kusang yumakap na rin ako sa kanya.
JARVIS POV
Kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Bella.
I stared down at Bella's lips. I found them inviting.
I wanted to kiss her senselessly and carry her inside the house and make passionate with her.
I grazed his thumb on her soft lips. "I want to remember how we kissed then"
Wala akong nakitang pagtutol sa mga mata nito habang nakatitig ito sa akin. One of my hands went behind her head and slowly I bent my head to her. I instantly felt warm all over at the first touch of my lips to hers.