Chapter 36: Teacher Bella

104 0 0
                                    

BELLA'S POV

Maaga akong nagising para sa part time job ko.

Actually, sunday ngayon, hindi ko lang mawari kung bakit maaga akong pinagising ng aking ina.

Hindi pa rin ako makapaniwala na magiging teacher ako in a week.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Nasa Echizen Mansion ako at hinihintay ko ang pagdating ni Mr. Jackson para bigyan niya ako ng info about sa school na tuturuan ko. Kung hindi lamang ito sa 500 million na utang ko hindi ko gagawin iyon.

Naalala ko na naman si Jarvis nung itanong niya sa aking kung saan ko nakuha ang 500 million.

FLASHBACK

Tulala ako, hindi ko namamalayan na nasa tapat ko na pala si Jarvis.

"Eh?"

"Are you ok?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Napangiti ako sa tanong nito. "Yeah."

"You don't look happy, something's bothering you?"

Napailing ako sa tanong nito ulit. "I'm overwhelmed, bf."

Tumango-tango naman ito. "Ganyan pala ang mukhang overwhelmed."

Bigla itong tumayo at iniwan ako.

Nagtaka naman ako sa inasal nito.

Pero pagbalik nito, may bitbit na itong cup, pagtingin ko nakita ko ang ice cream na hugis pink rose na may isang spicy.

Napangiti naman ako sa binigay nito.

"Ah. Ang pagkakaalam ko kasi, para mawala ang lungkot ng isang babae, ice cream lang daw ang katapat." nahihiyang sambit nito.

Napatingala ako bigla sa sinabi nito.

Alam niya pala na malungkot ako. "How?"

"Kahit sa kaunting panahon tayo nagkasama Bella, kilala na kita. I can read in your eyes kapag happy or sad ka."

"So, bf... You're saying na transparent na ako?" sabay subo ng ice cream.

Ngumiti lamang ito.

Ganito ba ang inlove?

Madali na akong mabasa?

"Nga pala, Bella, Saan ka nakakuha ng 500 million? Para ako na ang magbabayad."

"Eh?"

"'Di ba, binid mo ako ng 500 million?"

Napalunok ako bigla sa tanong nito.

"Ah. eh... binigyan ako ni Princess ng tseke, gamitin ko daw para i-bid kita." pilit na ngiting sambit ko sa kanya.

"Mabuti naman, kagabi kasi naisip ko iyon. Ayaw ko talaga na nahihirapan ka.' sabay gulo sa buhok ko.

Sana hindi niya malaman, piping wika ko.

END OF FLASHBACK

Napatingin ako sa pinto nung biglang may kumatok.

"Come in" sigaw ko.

Pumasok si Mr. Jackson na dala-dala ang laptop nito.

Yumukod ito bilang paggalang nito sa akin.

"Mr. Jackson namumuro ka na sa akin, sa susunod, pag nagba-bow ka ulit sa akin, hindi na kita papansinin, understand?"

Napangiti naman ito bigla. "Yes, Young Mistress."

Natawa naman ako bigla sa tawag nito sa akin. "May mag info ka na ba sa tuturuan ko? Good students ba sila?"

Nagtatakang tumingin naman ito sa akin.

BLACK BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon