ALEX POV
Natagalan ako bago makabalik.
Pagdating ko'y nakita kong duguan ang katanang gamit ni Xander.
Nakahiga silang dalawa.
Nilapitan ko agad si Bella dahil tila naririnig ko pa rin ang boses ni Emp.
"Humanda ka kapag may nangyaring masama sa kanya."
Paikot-ikot na ito sa aking isip.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa laban nila, isa lang ang sigurado ko, naging madugo ito.
Pati ang sahig ay may dugo, hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin.
Pagsilip ko sa bintana'y nakita ko ang mga maid na nagkakagulo.
XANDER POV
Buhay pa pala ako. Akala ko'y tinuluyan na ako ni Bella.
Pagmulat ng mata ko'y nakita ko si Alex na hawak si Bella. Naisip ko pa nga noong mga panahon na 'yon, nauna pa niyang lapitan si Bella kaysa sa akin na kapatid niya.
"Buhay pa ba si Bella? Shit! Kailangang maging ligtas siya."
Pinilit kong bumangon, pero hindi ako nagtagumpay, dahilan para gumapang na lang ako papalapit sa kanila.
"Sira ulo ka Xander, anong ginawa mo sa kanya?!" bungad sa akin ni Alex.
"Nawalan siya ng malay habang naglalaban kami."
"Patay tayo kay Emp 'pag may nangyari sa kanyang masama."
THE FIGHT
(FLASHBACK)
Nabitawan ni Bella ang kanyang hawak na uchigatana. Itinutok ko ang katanang gamit ko sa kanya.
"Talo ka na, Bella." Nakangising sabi ko sa kanya.
Nagulat ako sa kanyang ginawa, kinabig niya ang espada gamit ang kanyang kaliwang braso.
Nasugatan siya, umaagos ang dugo niya. Medyo malalim yata ang sugat na nakuha niya.
Natigilan ako sa ginawa niya. Pagkakabig niya sa katana ko'y agad niyang kinuha ang uchiganatang gamit niya.
"Hindi ako matatalo." narinig ko sa kanya.
Nagulat ako sa kanyang ginawa. Ang spinning slash. Nakita ko na ang ganoong move. Kasing pulido nung nakita kong una.
"Hindi maaari dahil nasa Japan siya."
Natamaan niya ako sa baywang. Masakit dahil medyo mahaba ang hiwa na kanyang nagawa.
Paglagpas niya sa akin ay sinipa niya ako ng patalikod.
Napaluhod ako. Pagbaling ko sa kanya'y nakatutok na ang kanyang uchigatana.
"Sumuko ka na, Xander. Hindi ka mananalo sa akin." sambit ni Bella sa akin.
"Ituloy mo, Bella." sabi ko sa kanya.
"Hindi kita pwedeng patayin dahil magpins...."
Bigla siyang nawalan ng malay.
END OF FLASHBACK
JARVIS POV
"Shit! Bella, kayanin mo ang ibibigay na challenge ni Panther."
"Aaahh! Shit! Kailangan kong bilisan." pinabilis pa niya lalo ang pagpapatakbo sa kanyang Bugatti Veyron.
Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala kay Bella. Naalala ko kasi ang ginawa ni Panther kay Selena noong mga panahong kami pa.
Ano namang laban ni Selena sa isang pro-sword master? Buti na lang at dumating ako agad noon.
Sana'y abutan ko pa sila.
RAIN'S POV
"Ito na 'yung hacienda nila diba?" tanong ko kay Nathe na kasama ko sa sasakyan
"Oo, ayun, lumiko si Emp. Sundan mo lang." sagot niya sa akin.
"Ang bilis niya kayang magpatakbo."
ALEX POV
Narinig kong sunod-sunod ang pagdating ng mga sasakyan.
Dumungaw ako sa bintana. Akala ko'y kung sino ang dumating, si Emp lang pala.
"Oh shit! Si Emp? bakit nandito agad siya?"
Hinaharang pa siya ng mga security guard at maid ngunit hindi siya napigilan.
Tumakbo siya papasok.
"Nandiyan na sina Emp." sabi ko kay Xander.
"Handa ako sa kung ano man ang gagawin niya." tugon nito sa akin.
Madaling nakarating si Emp sa kwarto namin.
"Ano'ng nangyari sa kanya?" tanong nito.
"Nawalan siya ng malay habang naglalaban kami."
Agad kinuha ni Jarvis si Bella, binuhat niya ito. Palabas na siya ng kwarto nang bigla siyang lumingon sa amin.
"I won't forgive you when something happens to her." sabay lakad palabas.
"Alex, may sinasabi si Bella pero hindi niya natapos dahil nawalan siya ng malay. We should talk to her again."
Tumango lamang ako at inakay siya. Nakita kong sinakay ni Jarvis si Bella sa kanyang sasakyan.
Marahil ay dadalhin niya ito sa ospital.
Gayon din naman ang ginawa ko kay Xander.
TRACE'S POV
Nandito na kami sa ospital, balisa si Emp. Paroot-parito siya sa kakalakad.
Nasa operating room si Bella. Hindi namin alam kung ano ang maaaring mangyari sa kanya.
Sanay walang mangyaring masama.
Natanaw ko na ang doktor na lumabas mula sa operating room.
--------------To Be Continued----------