REI'S POV
Dali-dali ako lumabas ng aking kuwarto na makasalubong ko pa ang fiance ni Taki. Napahinto ako at inalala ang pangalan niya. Ano nga ulit ang pangalan nito?
Tumingin ito sa akin. "Annika is my name." Nakangiting wika nito.
"Paano mo nalaman?"
"Kitang-kita naman sa mga mata mo Mr. Playboy."
Ngumiti ako ng malapad sa tawag nito sa akin. "Ouch. Ms. Pretty."
"Saan ka pupunta?"
"Diyan sa Cafe Lotte."
"So? Iiwanan mo ako mag-isa dito? Parang hindi ka naman yatang gentleman Rei, honey." Sabay lapit nito sa akin. Isang pulgada na lang siguro ang layo ng mukha namin.
Napapailing na lamang ako sa ginagawa nito. "I know, I'm attractive kaya lang Ms. Pretty nagmamadali ako. Mamaya na tayo magpahayag ng affection natin sa isa't isa." Mahinang saad ko dito.
Ngumiti ito ng nang aakit at lumayo sa akin. "Okay, isama mo na lamang ako at doon din ang tungo ko."
Tinignan ko ito ng matiim. "Sure. Shall we?" at ngumiti ng makahulugan.
"Uhm." Masayang tango nito at nauna nang lumabas.
Biglang tumunog ang aking cellphone. Napakunot-noo ako na nagtext si Akira sa akin at binasa ito. "She's coming."
Naikuyom ko ang aking kamao at biglang napamura sa aking nabasa.
ANNIKA'S POV
Nagtaka ako kung bakit hindi pa sumunod ang playboy na iyon.
Bumalik ako, nakita ko si Rei na seryosong nagbabasa ng text at napataas na lamang ang aking kilay na mapamura ito. Hmm. curious ako kung ano ang laman ng text na iyon. Napaangat naman ito at kunot-noong tinignan siya nito. "Ah..Eh.. Bumalik ako kasi hindi ka pa sumunod eh."
"I'm sorry. Let's go." Seryosong wika nito sa akin at mabilis na naglakad ito palabas.
Whoa? Ngayon ko lang nakitang nagseryoso ang mukha nun ah. Hmm. parang gusto ko mabasa iyon at napangiti ako ng makahulugan sa aking naiisip.
Pero gustuhin ko man, hiramin ang cellphone nun. Sure, akong hindi ko magagawa, mahigpit ang security ng Shinigami Mansion. Magaling ang nasa likod nito. Damn! Ang hirap gumalaw sa mansion na ito, lahat ng kilos mo nakikita.
Napakagat-labi na lamang ako.
"Sasakay ka ba o tutunganga diyan?"
Napasimangot ako sa tanong nito. Bakit hindi na malambing ang lalaking ito?
CAFE LOTTE
RESS'S POV
Napangiti ako na may tumigil na sasakyan sa harap ng cafe na pinaghihintayan namin at bumaba ang gwapong Ani ko.
Napalis ang ngiti ko na makitang bumaba rin si Annika sa sasakyan ni Ani.
Ano ginagawa nito sa sasakyan ni Ani? Bakit kailangan niya pa isama ang bitch na 'yan.
Napasimangot ako sa mga nangyayari.
Napatingin ako sa dalawang kasama ko ngayon sa table.
Si Ryuuji ay kampanteng umiinom ng Hot Vanilla samantala si Natsume ay seryosong nakatingin sa cellphone nito.
"Yo." Bungad na pambati ni Ani.
"Akala ko ba after 10 minutes andito ka na, late ka ng 1 minute." Masungit na saad ni Natsu na hindi tumitingin sa kanila.