SELENA'S POV
Nang magising ako, napansin ko na may kadiliman ang lugar na kinaroroonan ko. Naulinigan ko na may papalapit na mga yabag. Bumaling ako roon at nakita ko si Taki na naglalakad na palapit sa akin.
"Yo."
"What is the meaning of this? Nasaan ako?"
"Japan." Maikling sagot niya.
Nanlalaki ang aking mga mata sa sagot nito. "Huwag mo nga ako pilosopohin, Taki. Bakit mo ako dinala rito at itinali sa mabahong kuwartong ito? Is this some kind of a sick joke?" naiinis na wika ko sa kanya.
"Palalayain kita pero sa isang kundisyon hindi ka tatakas." Inilabas nito ang isang susi na galing sa bulsa niya.
Hindi ako kumibo sa tinuran niya bagkus pinagmamasdan ko siya habang binubuksan ang kadena ko. Nasisiraan na siya ng bait? Sinong tangang hostage ang hindi tatakas kapag pinakawalan ka? Kapag nagkaroon ako ng chance, humanda ka Taki!
Nang matapos ang ginawa nito ng pagtanggal ng kadena na nakagapos sa kamay ko, bigla ko siyang sinuntok ng malakas na dahilan ng pagkakaupo niya dahil sa nangyari agad akong tumakbo ng mabilis.
Nagtaka ako dahil bakit hindi man lang sumunod si Taki para habulin ako. Tumigil ako sa pagtakbo dahil ang end ng hallway ay isang malaking pinto. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras, binuksan ko ito.
Isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa akin. Lahat ng tao na naroroon ay napatingin sa akin. Napalunok ako bigla ng makita kong lumingon si Bella sa akin. Naniningkit ang mga mata niya nang dumako ang paningin niya sa akin.
"Good Evening, Red Butterfly." She said in cold voice.
Parang may nagbago kay Bella. Hindi na siya ang Bella na nakilala ko.
Puno ng galit ang mga mata niya at kung nakakamatay lang ang tingin siguro kanina pa akong walang buhay. Hindi ko maipaliwanag pero natatakot ako ngayon sa kanyang pinapakitang ekspresyon.
"Walk." Ani ng baritonong boses. Hindi ko na kailangan lingunin pa kung sino ang nagsalita.
Sumunod na lamang ako sa pinagsasabi niya dahil wala rin naman akong choice nakatutok sa ulo ko ang baril.
Damn, this guy!
Nang makarating kaming dalawa sa gitna ay pinahinto ako ni Taki.
Nagtataka naman ako kung bakit niya ako pinahinto.
"Hanga din naman ako sa charisma mo. Magkaibigan tinalo mo? Ano ito BUY ONE TAKE ONE?!" pangungutyang wika nito sa akin.
Napangisi ako sa mga pinagsasabi niya. "Kailan ka pa naging interesadong pakielamanan ang buhay ng isang tao, Bella?"
"Ngayon lang at sa isang traydor na katulad mo pa. Hindi naman ako interesado kung ano man ang privacy na meron kayo pero sana gawin mo ng tama at may patutunguhan." Puno ng lungkot ang mababasa sa mukha niya.
I rolled my eyes. Eto na naman siya.
Magsisimula na naman ang misa.
"Bakit Selena? Anong kasalanan ko sa iyo? Bakit kailangan mo magpanggap na ako? Bakit ka sumali sa organization na iyon? " gumagaralgal na tanong nito sa akin.
"Shut up!" sigaw ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa mga tanong niya sa akin. Paano niya nalaman na sumali ako doon? "Wala kang karapatan na pakielaman ang buhay ko. Huwag na huwag mo ako sumbatan dahil kahit ni minsan hindi ko naramdaman na kaibigan kita. Selfish ka Bella!"
"Selfish?" pilit siyang tumawa. "Hindi ba para sa sarili mo iyon, Selena?" mapangutyang wika niya sa akin na kinaningkit nang aking mata. "All this time na pinagsamahan natin naging sincere ako sa pagkakaibigan natin. Ano'ng mali? Bakit mo ako tinraydor?"