Chapter 41.2: Notorious Gangs II

58 0 0
                                    

REI'S POV

"Are you ready to unlock the power, the real power that was held back... for two years?" wika ni Taki.

Natawa ako sa sinabi nito. "Ano ba pinagsasabi mo pare? Ang corny mo."

Tinignan ako ng masama nito.

Natahimik na lamang ako bigla.

Actually, hindi ko gusto ang sinabi ni Taki, nangilabot ako.

Oo, matagal na nagpahinga si Taki bilang gangster.

Sa Japan, siya ang pinakamalakas at kinatatakutan.

Walang nakakatalo sa kanya, maliban nga lang sa isang tao na nagmulat sa kanya na hindi lakas ang basehan ng kapangyarihan.

Napatingin na lamang ako sa taxi na huminto sa harap namin, binuksan ito ni Taki at tumingin sa akin.

"Mauna ka na sa headquarters natin, may pupuntahan pa ako."

"Are you sure? Kaya mo ba makipagkita sa kanya?"

Tumango lamang ito at sumakay na sa taxi.

Napailing na lamang ako sa inasal nito.

Kaya niya ba talaga?


ANNIKA'S POV

Naghihintay ako ng bagahe ko na mapansin ko ang isang bulto ng isang babae.

Napangiti ako sa aking nakita at nilapitan ko ito.

"Empress!" malakas na tawag ko sa kanya.

Agad itong lumingon sa kinaroroonan ko at kumaway dito.

Napakunot-noo ito nang makita ako.

Nakangiting lumapit ako sa kinaroroonan nito.

"Why are you here? Vacation?" nakangiting tanong ko sa kanya.

"I should be the one asking you, why are you here?" masungit na tanong nito.

Natawa ako ng malakas sa pagsusungit nito. "You never changed Empress. You'll always like that."

Lalong kumunot noo nito sa sinabi ko.

"well, andito lamang ako dahil kailangan kong hanapin ang aking fiance."

"Fiance? Kailan ka pa naging interesado sa ganyang bagay? Alam ko hindi ka----." tumigil ito sa pagsasalita at napailing.

Napataas ang kilay ko sa inasal nito. "Akala ko ba wala kang pakialam sa amin Ress-chan."

Tinignan siya nito ng masama.

Ngumiti ako ng malapad dito. "Hindi mo ba tatanungin kong sino ang Soon-to-be-husband ko?"

"I'm not interested in your fucking life, Annika-chan."

"Really? Sayang naman." at ngumiti ng nakakaloko dito.

"We both know I don't like you, so don't try to talk to me like we're friends." tinalikuran na siya nito.

Napailing na lamang ako sa inasal nito.

Biglang tumunog ang aking cellphone.

Napakunot-noo ako sa caller na nakarehistro sa phone ko.

"Hello?"

"Dumating ka na ba?"

"Yes. Kararating ko lang." seryoso kong saad.

"Do what I said to you last night. Act according to our plan."

"As you wish." nakangiting wika ko.

"Good. Aasahan ko 'yan, Annika-chan. Bye!"

Napatingin ako sa malayo.

BLACK BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon