REI'S POV
"Gusto mo ba talagang ipahamak si Bella, Taki?"
Hindi siya umimik.
"Huwag mong sabihin itutuloy mo ang unang plano mo noon? Ang patayin si Black Butterfly Taki!"
"GAnoon ba ang pagkakakilala mo sa kin, Rei? Tama ka kung sa mga bihasa na tulad natin malalaman natin ito na walang bala. Pero may bala ang baril na iyon ngunit hindi ordinaryong bala ang nilagay ko doon. Kumpara sa iba mas magaan ito."
"Huwag mong sabihin nilagay mo ang bala na---"
"Ayaw ko na pag usapan. Isa lamang siyang experiment ko. Ang kailangan nating gawin ay maayos ang gulo na sinimulan ng devil na iyon."
DASH'S POV
"Welcome to Japan pare!" nakangiting bati ko kay Jarvis.
"Gago! Where is Selena?"
"May importante lang siya pinuntahan pero mamaya magkikita din kayo."
Napailing na lamang si Emp sa akin at naglakad patungo sa kotse.
Ngumiti na lamang ako at sumunod sa kanya.
"Himala at ikaw lang ang mag isa ngayon? Hindi mo ba kasama sila Rain?"
"Busy pa sila ngayon at bukas daw sila susunod ditto."
Napatango ako sa sinabi nito.
Tumingin ako sa labas ng kotse na bigla tumunog ang aking cellphone
Napakunot-noo ako sa nabasa kong mensahe.
"Problem?" tanong ni Jarvis.
Agad akong umiling sa tanong niya. "Nothing."
"Are you sure? Bakit parang namumutla ka pare?" kunot noong ni Jarvis.
"Talaga? Mukhang kulang ako sa tulog." Pilit na tawa ko.
Hindi na ito umimik kaya napatingin na lamang ako sa labas ng bintana ko
Nasa panganib si Selena at kailangan ko siyang puntahan
BELLA'S POV
Pagdating naming sa naturang lugar ay agad nag hiwa-hiwalay kami.
Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid.
Napansin ko sa gilid ng aking mga mata ang isang bulto na tumatakbo na naka black suit na katulad na gamit ko sa pakikipaglaban. Hindi na ako nagdalawang isip at hinabol ang impostor na Black Butterfly.
Iisa lang ang nasa isip ko ngayon ang makaharap siya at pagbayaran ang krimen na ginawa niya sa akin at sa agrabyadong dulot niya sa buong Tokyo.
SELENA'S POV
Kahit na pagod na pagod ako ngayon sa kakatakbo ay hindi ako pwedeng tumigil kundi mahuhuli nila ako.
Nakakapagtaka na may lumilibot na miyembro ng Shinigami Gang. Nalaman na kaya nila ang aking nagawa?
Napangiti ako sa aking naiisip. Hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon basta isa lang ang nasa isip ko na kailangan ko makahanap ng lugar na pwedeng pagtaguan upang hubarin ang black suit ko.
BELLA'S POV
Madilim ang kalangitan ngayon at mukhang uulan ng malakas. Lumiko ang taong hinahabol ko.
Mabilis akong tumakbo patungo roon. Pagbungad sa akin ay isang abandonadong building ang aking nasilayan.
Tahimik ang buong paligid