Chapter 46: I Am Black Butterfly

73 0 0
                                    

JACE'S POV

Nasa ospital ako ng tawagan ako ni Trace na tumungo sa Hide out ng Red Phoenix Gang. Nagulat ako sa sinabi nito na bumalik na si Kier.

Ano na naman ang kailangan nito?

Ano na naman ang gulong dala nito?

Hindi pa ba ito kuntento na inagaw nito ang girlfriend ni Jarvis na si Selena?

Hindi pa ba siya kuntento na... dahil sa kagagawan niya, namatay ang isang kaibigan namin?

Dali-dali akong bumaba ng aking sasakyan at tinungo ang lumang gusali.

Napatigil ako sa aking paglalakad na mag ring ang cellphone ko.

Napakunot-noo akong makita na tumatawag si Angel.

"Yes?"

"Kuya Jace, okay na pala si Princess at nakatulog na ng mahimbing."

Nakahinga ako ng maluwag na okay na si Princess.

Kanina kasi nagwawala ito. Ayaw daw niya sa ospital, allergy kasi ito doon.

Kung hindi ko lang mahal ang babaeng iyon kanina ko pa sinuntok ito para makatulog na magamot na ang sugat nito.

Hindi takot sa daplis ng bala pero sa hospital kulang na lang lumuhod ito at magmakaawa na ialis ito doon.

"Salamat couz."

"No problem... Balitaan mo ako kay Bella."

Pabigkas nito ng pangalan ni Bella. Nakita ko si Bella na may hawak na katana at umiiyak na nakatingin sa direksyon ni Emp. Nagtaka ako sa mga pangyayari.

Lalapit sana si Bella kay Emp na biglang bumunot ito ng baril at itinutok sa direksiyon ni Bella.

"What the fuck?" malakas na bulalas ko.

"Kuya ano nangyayari? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Angel sa akin.

"Tatawagan na lang kita later." Seryosong saad ko.

"But---" at ini-off ko na cellphone ko.

Tinungo ko agad si Emp upang pigilan ang kabaliwan nito.


RESS'S POV

Napasinghap kaming lahat sa pagtutok ni Jarvis ng baril sa direksiyon ni Bella.

Ito na nga ba ang sinasabi ko.

Naguguluhang napaangat ng tingin si Bella kay Jarvis. "B-B-f?"

Nagulat na lang ako na may kumasa pa ng isang baril.

Nilingon ko ang gumawa nun at walang iba kundi si Ani Rei at tinutok sa direksiyon ni Jarvis.

"Subukan mo Jarvis iputok iyan. Matatapos din ang buhay mo." Seryosong saad nito.

Ngunit hindi ito pinansin ni Jarvis at dahan-dahan nito kinalabit ang gatilyo ng baril.

Ganoon din ang ginawa ni Kuya Rei.

Wait. Bakit ganito ang nangyayari?


ANNIKA'S POV

Pipigilan ko sana si Jarvis sa balak nito kay Bella.

Na may pumigil sa aking balikat, inis na nilingon ko ito.

Napakunot-noo ako sa aking nakita... si Erien.

Erien Beige.

Nakangiting umiling ito na kinagulo ng aking isip.

BLACK BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon