Chapter 32: Black Rose vs Black Butterfly

81 0 0
                                    


LARA POV

Nagulat ako na halos mabilis lang ang laban nung dalawang Black Butterfly.

Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan nila pero ang tunay na Black Butterfly ay bumaling kay Black Rose.

Sasampalin dapat ni Pamela si Bella ngunit pinigilan niya ito.

Kabaligtaran ang nangyari, si Bella ang nkasampal sa kanya.

Tila nagalit yata ang demonyo kong kapatid.

"You will pay for what you've done to me", nanlilisik ang mga mata ni Pamela.

Bigla na lang tinanggal nito ang kanyang suot na black dress.

Lumabas ang kanyang kaseksihan. Fitted shorts at sando leather na may bulaklak sa balikat, ang Black Rose suit.

Pumorma ito na lalaban, mukhang desidido siyang labanan si Black Butterfly.


PAMELA POV

Bwisit na bwisit ako kay Barbie sa kanyang ginawa, sumuko yata ang loka-loka.

Nagpadagdag pa rito ang pagsampal sa akin ni Black Butterfly, lalo akong nainis.

Sa sobrang inis ko ay tinanggal ko ang dress na nakapatong sa Black Rose suit ko at pumorma.

Ngayon ko lang malalaman kung siya nga ang tunay na Black Butterfly.

Sinimulan ko agad ang pag-atake.


BELLA POV

Galit yata si Pamela. Hindi nagtagal at umatake agad siya.

Wala pa rin siyang pinagbago mula noong una kaming nagkita.

Mainitin ang ulo at walang pagtitimpi.

Umiwas lang ako ng umiwas sa kanyang mga buslo.

Madali sigurong mapapagod 'tong matandang 'to kaya iiwasan at sasalagin ko na lamang siya at hindi na lamang aatake.

Napansin kong nagsisimula ng bumagal ang kanyang paggalaw.

"Masakit na ba ang tuhod mo?" sambit ko sa kanya.

Tumigil ito sandali at tila may hinila sa kanyang hita.

Napansin ko na lamang ito ng ito'y kuminang, isang golden dagger na mayroong rose handle.

Muli siyang nagsimulang umatake, ngayo'y hindi na ako pwedeng sumalag sa kanyang mga atake, ang magagawa ko na lang ay umiwas.

Pagurin ko kaya ulit siya?


BARBIE POV

Tumungo ako sa isang gilid upang panoorin ang paglalaban nina Black Butterfly at Pamela.

Halatang hindi umaatake si Black Butterfly at puro iwas lang ang kanyang ginagawa.

Hanggang sa mahiwa ni Pamela ang damit nito at magsanhi ng sugat sa kanyang kaliwang braso.

Umaagos ang dugo niya sa kanyang braso at muntik pa itong masaksak sa kanyang tiyan.

Tinuhod nito ang braso ni Pamela, sanhi ng pagkabitaw nito sa kanyang hawak na panaksak.

Siniko ni Black Butterfly si Black Rose, ito'y napasubsob.

Mistulang aabutin ni Pamela ang dagger ngunit ito'y inapakan ni Black Butterfly.

"Enough of cheating, Black Rose." sambit nito.

Sinipa niya ang dagger pataas at sinalo gamit ang kanang kamay.

BLACK BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon