NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT
BELLA'S POV
Dahil sa aking nalaman mula kay Tres ay nagdesisyon ako na hindi na tumuloy. Pinahiram ako ng kotse ni Ayame. Naguguluhan ako habang nagbibiyahe, hindi ko alam kung saan ko makikita si Jarvis. Isang tao lang ang makakatulong sa akin.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at nag dial.
"Bella?" gulat na tanong ng nasa kabilang linya.
"Ress-chan, kailangan ko ng tulong mo."
"Ano'ng klaseng tulong ang gusto mo?"
"Saan ang lugar gaganapin ang pagtutuos ng black dragon gang at shinigami gang?"
"Bella----"
Hindi ako umimik nang tawagin niya ang aking pangalan.
"Nasaan ka ngayon?" kinakabahang tanong niya sa akin.
"On the way sana doon."
"Bakit hindi ka tumuloy? Umalis ka na Bella!"
"No. Sabi mo nga sa akin, choice ko ang lahat ng ito. Kapag tumakbo ako mawawala sa akin ang lahat."
"Kapag pinagtuloy mo ito Bella ay maraming masasaktan."
"Kaysa naman habang panahon tayo magsisi." malungkot akong ngumiti.
"Okay pero bago ang lahat, gusto kong malaman mo na muntik na makunan si Lara o ang dati mong queen na si dos."
"What!? How?!" gulat na tanong ko sa kanya.
"Dahil gusto malaman ni Jarvis ang totoo ay kinompronta niya si Lara."
Shit!
"Saang hospital siya?"
Matapos sabihin ni Ress ang pangalan ng ospital ay pinasibad ko ang aking sasakyan papunta doon.
Pagkarating ko agad na hinanap ko ang room niya.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Pagbukas ko walang tao. na nagbabantay sa kanya. Lumapit ako sa kanya at tinignan siya.
Kitang kita sa mukha niya ang pagod.
I'm sorry Dos.
"You're here."
Nilingon ko ang nagsalita. Nakita ko si Collumn na may kasama. Kung hindi ako nagkakamali sila ang mga kalaban ng queens dati. Ang mga kings ng gangster world sa Japan.
"Collumn."
"Masyadong maaga ang pagdalaw mo Bella."
Naguluhan ako sa sinabi niya.
"Inaasahan ni Collumn na wala ka na sa Pilipinas."
"Pero alam namin na magbabago ang isip mo."
"Hindi ko alam ang pinagsasabi niyo." naguguluhang wika ko sa kanila.
Tumingin sa akin si Collumn at hinawakan ang aking kamay. "Alam ko na nahihirapan ka na pero tatagan mo ang loob mo."
Tumulo ang aking mga luha sa sinabi ni Collumn. "I'm sorry. I'm really sorry Collumn."
"Kami dapat ang mag sorry sa iyo." Niyakap niya ako at hinimas ang aking likod na para bang pinapatahan niya ako.
"Hindi ko dapat sisihin si Lara sa mga nangyari sa akin. Hindi naman kasalanan niya na mainlove ako kay Jarvis."
"Bella, tandaan mo na hindi mo kasalanan na ma in love kay Jarvis siguro ang pagkakamali mo lang ay hindi mo nasabi na ikaw si Black Butterfly, ganunpaman walang mali na ikaw si Black Butterfly. Aba, masuwerte kaming mga lalaki na ikaw ang maging girlfriend namin. Kaya huwag mo sisihin ang iyong sarili. Huwag mong akuin ang problema na hindi naman nagmula sa iyo."