Chapter 26: Rose Sorority

72 0 0
                                    


BELLA POV

Wala akong makita noong nagkaroon ako ng malay, marahil ay dahil na rin sa piring na inilagay sa aking mga mata.

Sinubukan ko ring gumalaw ngunit naka-gapos ang aking mga kamay at paa. Naramdaman kong mayroon pang mga lock ang mga bakal na ipinang-gapos sa akin.

Medyo masakit din ang panyong itinali sa gitna ng aking bibig.

"Shit! Nasaan ba ako?"

"Ohh! She's now awake." patukoy yata sa akin.

"So who's this girl?" narinig ko sa isang mataray na wika.

"Black, meet my present, Bella, Jarvis' girlfriend." sagot naman nung isa.

"Jarvis' Girlfriend? Ano bang sinasabi nito?"

"I see." lumalakas ang kanyang boses, marahil ay lumapit siya sa akin.

Naririnig ko ang mga yabag, tila umiikot sa akin.

"Ano bang masama kung maging girlfriend si Jarvis? Lahat ba ng naging girlfriend niya, ganito rin ang nangyayari? After all, nagpapanggap lang naman kami. Bakit pati ako, kailangang dumaan sa mga ganitong initiation?" isip-isip ko.

"Bella, Bella, Bella. You know who's Jarvis?" sabay hablot niya sa aking buhok na katulad ng pagsabunot.

Biglang lumapag ang isang malakas na sampal sa aking kanang pisngi.

"He doesn't deserve you!"

Dumapo na naman ang isang sampal, ngayo'y sa kaliwang pisngi naman.

"He won't take you seriously, babe. Better get rid of him." sinasabi niya habang nakadikit ang kanyang bibig sa aking tenga.

"Only one girl deserves him. So, stop pursuing because we won't let you." dugtong niya pa.

"Next time we meet, and you're still in touch with him, you will have better what you've got now."

"Blue, get her out of my face." sabi niya sa kanyang kasama.

Pakiramdam ko'y tatlong tao lang kami sa kwartong iyon, ako, 'yung black at 'yung blue. Alam kong code name ang mga tawag nila.

Ang hindi ko lamang malaman ay bakit kailangan pa nila akong ipadukot para lang doon. Grabe naman 'tong si Jarvis, may mga ganito pa para lang sa kanyang girlfriend.

Paglabas namin ng kuwarto'y narinig ko ang mas maraming babae na nag-uusap.

"Bella, the one that hits you was inside this room. And you might know her." tila nangiinis na bulong sa akin nung blue.

"Bumaril sa akin? Bakit?"


PAMELA POV

Paglabas ni Bella ay sumunod na rin ako.

Kinuha ko ang black book. Madami akong naalala noong nahawakan 'yun.

Nagsimula ito noong magkatagpo kami ni Black Butterfly sa Japan.

Nagkataon noong panahon na iyong pareho kaming panauhin sa isang masquerade.

It was held in a bar, and the DJ had a game, we had about.

It's me against the legendary Black Butterfly.

Late na, medyo lasing na ako noon, ang laro ay bunong-braso.

I admit, she was strong enough. Natalo niya ako.

Dala na rin ng kalasingan, nainis ako at hinamon siya ng suntukan sa labas.

BLACK BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon