BELLA'S POV
Matapos niyang ginawa ang kanyang special trick na Heel Clicker...Lumanding na siya sa lupa..
"Ngayon ko lang ulit ito naramdaman, ang ganitong feeling."
Napatingin siya sa mga tao na tulalang nakatingin sa kanya. "Nanalo ba ako?"
Bigla naghiyawan ang mga tao.
"Ang galing mo Bella"
"Idol na kita"
Napatingin siya sa Black Dragon Gang na nakangiti at todo palakpak sa kanya.
Nakita niya si Jace na naka thumbs up sa kanya at sabay sabing "Congratulations! You won"
Sa sobrang tuwa niya... sinugod niya ng yakap si Jarvis, nabigla ito sa kanyang ginawa.
"Nanalo ako!" tuwang tuwa niyang sabi dito.
Napayakap na rin ito sa kanya. "Good Job, Girlfriend!"
"Ehem!"
Bigla silang bumitaw sa pagkakayakap at hinarap ang mga ito. Natutuwa ako sa reaksiyon nila dahil gulat na gulat sila na nakatingin sa aming lahat.
"Kayo ba?" tanong ni Nathe.
"Kailan pa?" nakangiting tanong ni Rain
"Paano?" kunot noong tanong ni Fuji
Nagkatinginan sila ni Jarvis at sabay nagkibit balikat na lamang.
"Congrats, Nerd!"
Napatingin sila sa nagsalita at nakita niya si Alyana na patungo sa direksiyon nila.
"Ito pa lang ang ikalawa kong pagkatalo.... Ang Heel Clicker na ginawa mo..........."
Hindi ko mawari, pero kinakabahan ako sa sasabihin niya.
"..............Isang babae pa lang ang nakita kong nakagawa nun.... Astig mo naman, Naalala ko tuloy siya..."
Napalunok siya sa sinabi nito.. "Alam niya na ba?"
"Sino siya?" pilit na ngiting tanong niya dito.
Nakita niyang natigilan ito sa tanong ko at napatingin kay Jarvis na kunot noong nakatingin din kay Alyana.
"Ah... Kalimutan mo na ang sinabi ko... isa lang siyang alaala sa una kong pagkatalo. By the way, congrats ulit and I end as a loser."
"Ah?"
"Emp, magaling ka pumili.. One down..." ngumiti ito ng matamis at tumalikod papunta sa Golden Cobra Gang.
"One down?" Napatingin siya kay Jarvis.
"Tara!" yaya nito sa kanya.
"Saan tayo pupunta?" kunot noong tanong niya dito.
"Babalik sa Hard Rock Cafe" nakangiting sambit nito sa kanya.
"Why?"
"I-enjoy natin ang gabi. Magcelebrate tayo sa pagkapanalo mo."
"Ehhh. May pasok pa kaya bukas."
"Minsan lang naman, tara na!"
Sumama na lamang siya sa mga ito.
SOMEONE'S POV
Kailangan na niya umalis, baka may makakita pa sa kanya.
Binuksan niya ang pinto ng kotse niya...Feeling niya may nakatitig sa kanya, napalingon siya.