JARVIS POV
"Shit!... Saan ba nagpunta yung babae na iyon..." aburido na sambit niya.
Kumalat na sa campus ang scandal picture nila Bella... buti na lang hindi nakita ang mukha nito sa picture...
Actually, gusto niya kausapin si Bella para maprotektahan niya ito dahil sa pagsubok na maaari niyang kaharapin na hindi naman talaga nararapat. Baka mashock lamang ito.
Paikot-ikot siya sa loob ng room, nag-iisip kung paano ito sasabihin kay Bella.
"Emp!"
Napalingon siya sa tumawag sa kanya. Nakita niya sina Rain na nasa pinto papunta sa kanyang direksiyon.
"Oh?" kunot-noong tanong niya sa mga ito.
"Nakita mo ba si Jace? Ang alam ko'y dito kami magkikita, bakit wala pa siya?" tanong ni Fuji.
"Hindi ko pa siya nakikita mula pa kanina." wika niya sa mga ito.
"Saan kaya nagpunta ang mokong na iyon?" napapa-isip na tanong ni Nathe.
Nagkibit balikat lamang siya. Maya-maya'y tumunog ang kanyang cellphone.
Nakita niyang tumatawag si Jace.
JACE POV
Shit sa ganitong sitwasyon hindi makikinig sa kanya si Alyana. Kailangan ko tawagan si Jarvis para mapigilan ito, dahil alam ko mapapahamak lamang si Bella.
Jarvis Calling..............................
"Yo!"
"Emp pumunta kayo ngayon din dito sa Hard Rock Cafe"
"Ano na naman ang pakulo na iyan Jace? Ipapakilala mo na naman kami sa mga babae mo?
"Jeez. Hindi paano si Alyana kasi..."
"Oh, ano ginawa sayo ni Cleopatra? Ni-rape ka ba? Okay lang iyan..."
"Gago... Pumunta na kayo dito para pigilan si Cleopatra dahil mapapahamak si Bella."
"Ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi?
"Eh-------ka-----"
"Fuck you man!" sabay off sa cellphone nito...
Napatitig siya sa cellphone niya. "Fuck you too... pero babae type ko," iiling na wika niya.
BELLA POV
Nang hinubad ni Alyana ang Jacket nito at binigay sa kaibigang babae nito.
Nanlalaki ang kanyang mga mata na makita niya kay Alyana sa kanang braso ang Golden Snake Bangle.
"Shit, Bakit siya pa?!"
Bumaling ito sa kanya at ngumiti na nakakaloko.
"Fucking Shit!" Lalo siya napamura na makita niya itong ngumiti. Kilala niya si Cleopatra, kapag ganun ito ngumiti may maitim ito binabalak.
Naalala niya noon, pumunta ito sa Japan para lang daw talunin siya. Natawa pa nga ako sa sinabi niya, hinamon din niya ako mag race ng motorbike. Hindi na ako tumanggi dahil sanay na ako na may humahamon sa akin mapababae man o lalaki.
Kailangan niya maging alisto... sigurado ako, hindi magiging ordinaryong race ang mangyayari.
Vrooooooooooooommmmmm.....
Napatingin sila lahat sa dumating. Nakita niya si Jarvis na sakay ng Dodge Tomahawk kasunod ang mga kaibigan nito. Napasipol siya sa nakita, super wow talaga... ang pangarap niyang motorbike ay nasa harap na niya ngayon.