Chapter 25: The Real "Gunman"

79 0 0
                                    


RAIN POV

Nang wala kaming naabutan sa soccer field, bumalik kami sa headquarters.

Kanya-kanya ang bawat isa.

"Yeah... I know, I miss you too Sweetheart" malanding sambit ni Jace. Napailing na lamang ako sa sinasabi ng pinsan ko. Matapos ang usapan nito sa babae, pabagsak na humiga ito sa black couch. "Nakakapagod maging gwapo."

Nagkatinginan kami lahat sa sinabi ni Jace at sabay-sabay na tumawa.

"Ano'ng nakakatawa?" kunot noong tanong nito sa kanila.

"Pinoproblema na rin pala ang pagiging gwapo, Jace, ah." natatawang sambit ni Fuji.

"Ewan ko sa inyo." sabay pikit ni Jace. Mukhang natulog na yata.

Napailing na lamang kaming lahat sa sinabi nito.

Napatingin ako kay Jarvis na naglalaro ng video game. "Emp!" tawag niya dito.

"Ohh?" sabi nito habang tutok ang mga mata nito sa game.

"Nasan si Bella? Di ba sabi mo pupunta iyon dito?" tanong niya dito.

"Oh shit!" sabay bitaw nit9o sa game controller. Agad na kinuha nito ang cellphone at tinawagan si Bella.

"Hoy Nerd! Nasan ka na? Pumunta ka dito ngayon din." sabay hagis ng cellphone nito sa tabi.

Napailing na lamang ako sa nakita.


BELLA POV

"What the-- ang kapal ng mukha ng freak na iyon." inis na sambit niya.

"Bella, are you okay?" tanong ni Angel sa kanya.

"Uhmm.. Yeah.." pilit na ngumiti siya dito

Ngumiti naman ito.

"So... dahil nanalo kayo sa soccer, ilibre niyo naman kami." ngingiting sambit ni Jessica.

"Oo nga... kahit yun lang pampalubag loob dahil natalo ang Team namin" nag eemote na wika ni Grace.

Natawa kaming lahat sa sinabi ni Grace.

"Super duper.. hate ko na ang dalawang bakla na iyon." nakasimangot na saad nito.

"So tara? Doon tayo sa house namin..." yaya ni Princess.

"Sure" sabay sabay na wika ng mga ito

Napatingin naman sila sa akin dahil hindi ako sumagot. Nagtatanong ang mga mata nila.

"Ah...Eh... kasi... ano... hindi ako pwede..." pilit na ngumiti siya sa mga ito.

"At bakit?" kunot noong tanong ni Grace.

"Ano....uhhhmmm... magkikita kasi kami ng friend ko ngayon. tama... nagpapasama kasi siya. Sorry Girlfriends" pagsisisnungaling niya sa mga ito.

"Kaka sad naman Bella. Sige na umalis kana. May iba pa namang pagkakataon eh." nakangiting wika ni Angel. Tumango na rin ang iba.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nito at sa sang ayon ng iba.

Ngumiti siya sa mga ito. Agad na sinukbit niya ang kanyang bag at nagpaalam na sa mga ito.

"Nakakainis na freak na iyon.. dahil sa kanya hindi na naman ako nakasama sa mga girfriend ko. Haii.." isip-isip ko.

Tinungo na niya ang Headquarters ng Black Dragon Gang. Pagpasok niya nakita niya ang anim na lalaki, parang tambayan talaga ang headquarters nila. Dinatnan kong naglalaro ng video game si Jarvis, nakatutok sa laptop si Trace, nagbabasa naman ng magazine si Fuji, natutulog si Jace, habang naglalaro naman ng billiards sina Nathe at Rain. Ito na yata ang kanilang pangalawang bahay.

BLACK BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon