Chapter 27.2: Welcome Party

75 0 0
                                    


BELLA POV

Pagmulat ng aking mga mata, nakangiti akong bumangon. Dahil na rin siguro sa nangyari. Napatingin ako sa right hand ko.

Kumikislap ang singsing na binigay ni Jarvis. Naalala ko tuloy kung paano niya ito binigay sa akin.

 FLASHBACK

Matagal kami nagyakapan. Biglang bumitaw si Jarvis.

"Hmmmm. If it's possible, could you give me your time and body tonight?" pilyong ngumiti ito sa akin.

Nanlalaki ang aking mga mata sa tanong nito."Waah!Pervert ka talaga!" inis na inis na hampas ko dito.

"Teka... Ano ba'ng pinagsasabi mo?"

"Sabi mo kasi, give me your time and body." nakasimangot na sabi ko sa kanya.

"Oo, sinabi ko nga iyon." Tinignan ko ito ng masama.

Bigla itong tumawa ng malakas. "Ikaw ang pervert, Girlfriend."

Kunot noo na tinignan ko ito. Bigla itong nagseryoso

"Ikaw talaga...Ang ibig ko sabihin, may pupuntahan tayo, tara?" nagpatangay na lamang ako sa kanya.

Nakita ko ang ang isang mahabang tulay sa kalagitnaan ng dagat na may maraming kandila.

"Ang ganda" bulalas ko dito. Napangiti lamang ito.

Naglakad kami doon. Medyo nasa kalagitnaan na yata kami. Tumigil si Jarvis sa paglalakad. Humarap siya sa akin.

Tumikhim ito ng malakas. Bakit parang kinakabahan yata siya? Pati na rin ako.. Ano ba gagawin namin dito?

Hinawakan nito ang kanang kamay ko. "I, Jarvis Fortalejo," kinakabahang wika nito. 

"Take you, Bella Uy, to be my partner, loving what I know of you, and trusting what I do not yet know." Nakangiting wika nito.

Nararamdaman ko na lamang na may sinusuot na siyang singsing sa daliri ko "I eagerly anticipate the chance to grow together, getting to know the woman you will become, and falling in love a little more every day. I promise to love and cherish you through whatever life may bring us. I love you."

Titig na titig ako sa singsing na nasa daliri ko. Naiiyak na naman ako. Sinalubong ko ang tingin niya.

"Nakakainis ka..." natatawang na naiiyak na sambit ko dito. Tumawa lamang ito habang pinapahid ang mga luha ko.

"Akala mo, ikaw lang." Tinanggal niya ang necklace niya na may singsing. Heirloom ito ng Echizen Clan.

Tumikhim siya at tumitig dito.

"When I was a little girl, I believed that someday I would be swept away by an enchanted prince to live happily ever after. As I grew older, that dream faded away and I stopped believing in fairytales. I almost stopped believing in love altogether, until I met you." Nakangiting sambit ko sa kanya.

"I'm not a perfect girlfriend, but I promise you that if I give you my heart, it's yours & no one else's. I'll be loyal, I'll be here when you need me. I'll love you to the greatest extent that I can, I'll treat you right & I will do whatever I can to hold our relationship together." naluluhang wika ko. "I l-love y-you." sabay suot sa singsing dito.

Pag-angat ko ng tingin. Nakangiting Jarvis ang nakita ko, hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko.

Nagulat na lang ako na sunod-sunod ang fireworks sa kalangitan and Jarvis kissed me as if there's no tomorrow.

END OF FLASHBACK

Napapangiti ako tuwing naaalala ko iyon. Napahawak tuloy ako sa aking mga labi.

BLACK BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon