BELLA POV
Tumalikod si Pamela at hinila ang "Black Butterfly" papalapit sa amin.
"Jarvis, this is Black Butterfly. Your soon-to-be wife."
"Okay, Black Butterfly, this is Jarvis, my brother. She's yours."
Nagulat ang lahat ng tinanggal ni Black Butterfly ang kanyang mask.
Lumapit ito kay Jarvis, hinaplos ang kanyang mga braso at binulungan, "Hi, handsome, I'm Barbie."
"Get rid of me." tugon nito.
Agad niya akong hinila, "We're gonna go."
"Baby bro, would you ruin my party?" mabilis na sagot ni Pamela. "Why don't we enjoy the night?"
"Jarvis, just enjoy the night. Minsan lang naman." sambit ni Lara na sinundan ng isang kindat.
Nginitian lamang niya ito.
"Oh, Barbie, why don't you join them at the table?"
"Are you sure? Baka magselos 'yung girl na kasama niya." sagot nito habang nakatingin sa akin at nakataas pa ang kilay.
"Me? Why would I be jealous of a girl like you?" sagot ko sa kanya.
"I'm Black Butterfly. Many guys want me, so as Jarvis." sambit niya habang papalapit ang kanyang mga mukha sa mukha ko.
"This girl is crazy. Sinisira niya ang dignity and reputation ng isang Black Butterfly." isip-isip ko.
"Okay. If that's what you think." sagot ko sa kanya sabay talikod.
"Hey! Don't turn your back when I'm still talking with you."
Hindi ko na lang siya pinansin.
Sumunod sa akin si Jarvis at dumiretso kami sa aming table.
Walo lang ang upuan kada table at sakto lamang iyon para sa amin.
Ako, si Jarvis, Black Dragon Gang (Trace, Jace, Nathe, Rain, Fuji) at si Lara.
Binitbit ni Barbie ang kanyang upuan at isiningit ito sa tabi ng upuan ni Jarvis.
"Dito na lang ako sa tabi mo pupwesto, ha?" sambit nito.
Hindi ito pinansin ni Jarvis.
PRINCESS POV
Nagulat kami sa mga pangyayari.
Girlfriend na pala ni kuya si Bella.
Okay siya sa akin pero knowing na girlfriend siya nito, maaaring mapahamak siya.
Noong nakita naming bumalik na sila sa kanilang table, kasama ang girlfriends, ay nilapitan namin sila.
"Bella, hindi mo naku-kwento sa amin ang tungkol sa inyo ni Kuya ah." sabi ko sa kanya.
"Ikaw pala ang nasa puso ni Jarvis, akala ko, ako." pabirong banggit ni Angel.
"Congrats sa inyo. We're happy for the both of you." sambit naman ni Grace.
"Sana ay makayanan mo ang pagiging girlfriend ni Jarvis." sabi naman ni Ellen.
Tinignan naming lahat si Ellen. Alam naming magiging miserable at komplikado ang kanyang buhay kahit girlfriend lamang siya ni Kuya.
"Ano'ng ibig mong sabihin sa makayanan?" tugon ni Bella.
"Ah, wala. Biro ko lang 'yun." mabilis nitong sagot.
"Kalimutan mo na ang sinabi nitong si Ellen. Let's just enjoy the night." tukoy ko kay Bella.
XANDER POV