BELLA'S POV
Masayang naglalakad kami ni Bf sa mahabang pasilyo na makasalubong namin si Pamela at Miss Lara.
Huminto ang mga ito.
May ngiti sa mga labi ni Miss Lara samantala si Pamela ay hindi maipinta ang mukha nito.
"I want to talk with you." sabay na wika ng mga ito.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Bf. Muntik na kami matawa ngunit pinigilan namin dahil mukhang nainis sila sa isa't isa.
"Okay, you first tutal matanda ako sa iyo ng buwan." wika ni Miss Lara.
Tinignan ni Pamela ng masama si Miss Lara. "Jarvis, I want to talk with you."
"Now?" kunot noong tanong nito.
"Yes. No more questions."
Napatingin naman sa akin agad si Bf na para bang hinihingi nito ang permission ko.
Gusto ko matawa kung wala lamang sa harapan namin ang mga kapatid nito.
Nakangiting tumango ako.
"Tsk." sabay talikod ni Pamela.
"Sandali lang ako" sabi ni Bf at hinalikan ako ng mabilis sa aking pisngi.
Tinanaw namin pareho ni Miss Lara ang dalawa na papalayo.
"Sweet." biglang sambit ni Miss Lara.
"Eh?"
"Ang sweet ni Jarvis sa iyo. And I'm happy for that.
"Parang may laman 'yang sinabi mo Miss Lara."
Natawa naman ito bigla sa sinabi ko. "You thought so? Hmmm..." tumatangong wika nito.
"Thank you pala." nakangiting wika ko.
"Why?"
"I don't know, I feel I need to thank you. Weird, right?"
Nakangiting umiling-iling ito. "You know what the meaning of that ring?"
"This?" sabay pakita ang singsing na binigay ni Jarvis sa akin, ang Dragon Diamond Ring. "Yeah, I never thought that he's serious with you. Ops.. don't get me wrong."
Napangiti ako sa sinabi nito. "I know. Kahit ako, hindi rin makapaniwala."
"FYI, that ring represents the power of the Emperor and means that he wants to be with you forever."
Napatitig ako sa singsing na binigay ni Bf. Hindi ko alam pero napangiti ako bigla.
"Love him as much as you can. And whatever happened don't leave him."
Ngumiti lamang ako sa sinabi ni Miss Lara.
JARVIS'S POV
Pumasok kami ni Ate Pam sa isang kuwarto.
Mahabang katahimikan ang namayani.
"Do you really love her huh?" sarkastikong sambit nito.
"Yes."
"Why?"
Lumingon ako sa kanya at tumingin ng direkta sa mata niya.
"She reaches me on every level - when I'm weird, she can be weirder; when I feel like being intellectual, she teaches me new things. But the most important thing is we can spend the whole day just laughing. And she's one of the people that can make me laugh the hardest. Her laughter is contagious." nakangiting saad ko.
"I see."
"Why Ate Pam?"
Nagkibit-balikat lamang ito at tinungo na ang pinto.