BELLA POV
Nasa loob ako ngayon ng sasakyan ni Jarvis.
Wala kaming imikan pareho.
Naalala ko ang napag-usapan namin ni Barbie.
FLASHBACK
"I don't care who you are. Girlfriend ka lang ni Jarvis kaya wala kang maipagmamayabang."
"Then, Ikaw, Black Butterfly ka lang, wala ka ding maipagmamayabang."
Tila nainis yata siya.
"Hindi mo ba kilala si Black Butterfly?"
"Hmm. Hindi. Sino at ano ba 'yun?"
"Ako 'yun at ang ibig sabihin nun, ako ang pinakamalakas na gangster sa lahat."
"Sure ka, wala ng mas malakas pa sa'yo?"
"Oo naman. Wala pang nakakatalo sa akin."
Aba! Hindi lang pala malandi at walang manner to, mayabang pa.
Sinisira niya talaga ang image ko.
"Baka ako ang tatalo sa'yo?"
"Wala ka pa sa kalingkingan ng lakas ko."
"Ohhh! Ganoon ka pala kalakas." pabirong sabi ko sa kanya.
"Kung gusto mo, maglaban na lang tayo para malaman mo. In a winner-take-all match, Jarvis would be the prize. Friday night after dismissal, on the abandoned building near Red Dragon University."
"Deal. Tuturuan kita ng leksyon." natatawa kong sambit.
"Tuturuan ng leksyon?? Grr!! Hey, don't turn your back when I'm still talking to you."
Tumungo na ako sa pintuan at lumabas. Doon ko nakita si Jarvis.
END OF FLASHBACK
"Gf?"
Napalingon ako kay Jarvis.
"Uhmmm?" nagtatakang tanong ko.
"Are you okay?"
"Yeah"
"Ginagambala ka ba nya?"
"Nope. Ihatid mo na ako sa amin, pagod lang siguro ako at maraming iniisip."
"Okay, just tell me if she bothers you, huh?"
"Yup."
Nakarating kami sa bahay ng hindi na nagimikan, napansin ko sa mukha niya ang pagaalala.
"Bf, don't worry. I'm okay. Don't worry about me." sabay halik ko sa kanya.
Mukhang nagulat ito sa ginawa ko.
Kahit nga ako nagulat eh.
Sabay ngiti ko sa kanya. "Mag ingat ka sa pagda-drive Bf, okay?"
Pababa na sana ako ng kotse na bigla akong hinila pabalik.
Nagulat ako sa ginawa niya.
Mas nagulat ako na maramdaman ko ang mga labi niya sa mga labi ko.
He nipped my lips softly.
I did not even move a bit.
Ipinagpatuloy nito ang paghalik sa akin.
Mayamaya kusa nang gumagalaw ang mga labi ko.
He kissed me possessively.
Malalim. Maalab.
Ginantihan ko ang intensidad ng halik nito hanggang sa lumapat sa headrest ng kinauupuan ko ang likod ng ulo ko.