Chapter 38.1: Fear the Emperor's Wrath Part 1

63 0 0
                                    

GUMIHO'S POV

Hinagis ko ang patalim sa kinaroroonan ni Leifr na balewalang iniwasan niya.

Lumingon ito sa kinaroroonan ko.

"I'm scared Gumiho!" at ngumiti ng nakakaloko.

Naningkit ang mga mata ko sa sinaad nito.

Kinuha ko ang patalim na nakatago sa paanan ko.

Hindi lamang siya ordinaryong patalim dahil may lason ito na pwede mo ikamatay.

Sinugod ko si Leifr sa kinaroroonan niya.

Bigla ito umiwas papuntang kaliwa nang saksakin ko ito.

Mali ang move mo Leifr.

Sinipa ko ng malakas ang kanyang tyan na dahilan para ikahiga nito.

"Ugh!"

Tinitigan ko siya ng matiim at itinutok ko sa kanya ang patalim. "Scared Leifr?"

Napa-smirk lamang ito.

"Ang lakas ng loob mo kalabanin ako. Sa ginawa mo hindi ako mangingiming patayin ka ngayon."

Biglang hinablot nito ang kamay ko na kung saan may hawak na patalim.

Ang nangyari ay nagkapalit kami ng posisyon.

Ang patalim na hawak ko ay hindi ko na alam kung nasaan na iyon.

"Try to kill me... if you can." bulong nito sa akin.

Akmang sasampalin ko siya, pinigilan niya ako agad.

Hawak na niya ang dalawang kamay ko habang nakapangibabaw siya sa akin.

Nagpumiglas ako pero mas malakas siya sa akin.

Nagulat na lamang kaming pareho na may lumilipad na mga shurinken parating sa amin.

Bigla ako binitawan ni Leifr at ako?

Eto pumikit na lamang pero mas nagulat ako na may yumakap sa akin.

Pagmulat ko nakita ko si Loki na galit na galit na nakatingin kay Leifr.

Tumayo ito at sinuntok ng malakas si Leifr.

Napahawak si Leifr sa kanyang ilong na dumudugo.

"You dare to touch my girl?!" galit na bulyaw ni Loki.

Nag smirk lamang si Leifr.

Sa galit ni Loki ay sinuntok niya ulit ito ng malakas.

Hindi ko na lamang sila initindi, agad ko tinungo si Bella.

"Bella? Hold on please." nagmamakaawang wika ko.

Nanginginig ang mga kamay ko na pinindot ang number ng cellphone ko.

"Dr. Harley, I need you to be here asap. I don't care kung busy ka!" inis na sambit ko sa kanya at sabay off sa cellphone ko.

Paglingon ko sa kanila, nagulat ako sa nasaksihan sira na ang mga gamit sa kwarto ko.

"The two of you, will you stop!" galit na galit na sigaw ko.

Agad silang bumitaw sa isa't isa.

"Mamaya na tayo magpatayan. Intindihin natin si Bella. Kapag may nangyari sa kanya. Tayong tatlo ang mapapatay ni Emp."

"Are you okay?" tanong naman agad sa akin ni Zach.

Tumango ako ng marahan.

"What happened?"

Galit na tinititigan ko si Leifr.

Pinunasan ni Leifr ang dugong nasa gilid ng mga labi nito.

"Kapag may nangyari kay Bella, mayayari ka kay Emp."

BLACK BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon