GUMIHO'S POV
Sobrang tensyon ngayon ang mga kaganapan.
Napatingin ako kay Bella na....namumutla?
Tatayo sana ako para kumustahin siya na biglang natumba ito.
"Bella!" tili ko.
Nanginginig na dinaluhan ko ito na bigla ako tinabig ni Jarvis.
"Bella?"
RESS'S POV
Napalingon agad ako sa tili ng isang babae.
Hindi dahil sa lakas ng tili niya kundi sa sinigaw niyang pangalan.
Hindi ko alam pero kinabahan ako nang banggitin niya ang pangalan na iyon.
Hindi naman siguro siya ang Bella na kilala ko?
Parang may nag-utos sa aking mga paa na tumayo.
Binuhat ni Jarvis ang babae at tumatakbo sa kinaroroonan ko.
"Bella, hold on." nagmamakaawang sambit ni Jarvis.
Parang slow motion ang nangyari.
Dahan-dahang lumagpas sila sa akin.
Natulala ako sa aking nakita.
At marahas akong lumingon.
B-Bel-la?!
Tama ba? Baka nagkakamali lamang ako ng tingin.
Hindi maaari. GUsto kong kumpirmahin.
Hindi na ako nagdalawang isip agad akong tumakbo at sinundan sila.
Kung tama ang aking nakita...
Hindi ito tama.
TRACE'S POV
Inutusan ko sina Jace na paalisin na ang mga gangster at maghintay na lamang sa bagong iuutos ni Emp.
Tinungo ko si Loki na paralyze pa din.
"Are you okay?"
"Damn! Let's change our position and then I'll ask you if you're okay."
Napailing ako sa sinabi nito.
Pinress ko ang batok niya. "Try to move."
"Fucking shit!"
Inalalayan ko itong tumayo. "Thanks, pare!" sabay tapik nito sa balikat ko at tinungo si Gumiho na hindi pa din tumitigil sa pag-iyak.
Doon ko napansin na biglang nawala si Leifr.
Saan kaya ito nagtungo?
GUMIHO'S POV
It's my fault kaya na naman napahamak si Bella.
Lagi na lang.
Napatingin ako sa nakalahad na kamay na nasa harapan ko.
Napaangat ako ng tingin, nakangiting Zach ang nabungaran ko.
Naiiyak na hinawakan ko ang kamay nito.
"stop crying, please?"
Naiiyak na tumango ako at niyakap siya nito ng mahigpit.
"Kasalanan ko ito, eh. I'm sorry. Dahil sa akin, pati ikaw nadamay." sabi ko sa pagitan ng pag iyak.
Lalo nito hinigpitan ang pagkakayakap.