Chapter 43.1: Act of Finishing

49 0 0
                                    

FAYE'S POV

Napangiwi ako sa aking nasaksihan. Hindi ko alam kung sadyang tanga lamang ang babaeng ito at nagpakamatay.

Nakahinga kami ng maluwag ni Denise sa kaganapan. Pero bakit kami gusto patayin?

Napatingin ako kay Bella na natulala, nakakaduda na ang pagkatao nito.

Para wala sa sariling lumapit si Bella sa babaeng nagpakamatay. Hinawakan nito ang kanang palapusuhan nito at tinitigan ang rosary tattoo nito. Oo nga pala, mukhang kilala niya ang nasa likod na pagpatay sa amin. Ang tanong? Sino? Paano?

Napakunot-noo kami ni Denise sa sumunod na nangyari dahil may kinakapa na ito sa katawan ng babae.

Ano ginagawa nito?

Nang may makapa ito ay dahan-dahan nito inilabas.

Nagkatinginan kami pareho ni Faye. Isang chip ang nakapa nito.

Bigla itong tumayo at tinapakan ang chip na nakuha nito. Durog ang chip. Para saan kaya iyon?

Kinuha nito ang baril.

Walang sabi-sabi na hinila kami ni Bella patungo sa sasakyan nito. Teka? Kay Jarvis ito ah.

Binuksan ni Bella ang pinto ng car ni Jarvis. "Get in." mariing utos ni Bella sa amin.

"No." Mariing saad ni Denise.

Napatingin ako kay Bella na seryosong tumitig ito kay Denise.

"Ano gusto niyo? Sasakay kayo o ako na mismo tumapos ng buhay niyo ngayon?" seryosong saad nito.

"Hey stupid! Kapal ng mukha mo----" hindi ko na pinatapos si Denise na magsalita at itinulak na lang papasok sa loob. "Hey bitch---"

"Shut up Den." Mahinahong saad ko kay Denise.

Namangha ito sa akin inasal. "Okay." Sabay tingin kay Bella. "Pagbibigyan ko kayo ngayon."

Nagkibit balikat lamang si Bella at sumakay na sa driver's seat.


BELLA'S POV

Nanganganib ang buhay ng RS. Hindi basta-basta gangster ang nagpapatay sa kanila.

Dahil ang mga taong namumuno doon ang nag-training sakin kung bakit ako naging malakas.

Makapangyarihan sila at wala sinuman ang nakakatalo sa kanila.

But...I don't like their rules.

Kapag hindi mo nagawa ang mission na pinapagawa nila. Kailangan mo patayin ang sarili mo.

Nakakatakot ang samahan na iyon.

Nakakapagtaka lang kung bakit nila pinapatay ang RS?

May naging atraso kaya ang mga ito?

Napapaisip ako ng malalim.

"Alam niyo ba kung bakit kayo pinapapatay ng mga iyon?" tanong ko sa PINK DUO.

"Jeez, obviously we don't know." Sabay irap ni Denise.

"Nakakagulat ang sinabi ng babaeng iyon at secret organization lamang kami. Nakakapagtaka kung bakit nila nalaman ang tungkol sa amin." Napapaisip na sagot ni Faye sa akin.

"May tao ba kayong inagrabyado?"

"Mga babaeng dumidikit kay Jarvis. Sila lang ang pinagbabantaan namin. Teka bakit parang ang dami mong tanong?" kunot noong tanong ni Faye.

Nanahimik ako bigla.

"Hey bakit hindi kana sumagot diyan?"

Inapakan ko ng mariin ang accelerator na kinasubsob nila.

BLACK BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon