"Ano ba pablo! Bakit naman kailangan mong magalit sa tao! Sinabihan mo pa ng masasamang salita!"
"So kasalanan ko pa kuya yani? Eh bobo siya eh. Tatanga tanga!"
kitang kita ko sa muka ni kuya yani ang galit sakin, pati nadin ang pag aalala sa P.A ko. Ano na nga ba ulit name niya? Buti nalang di ko maalala, tutal matatanggal nadin naman na siya.
"Aaaah! Stell, bakit di kita matawagan. Nasan kaba?" rinig na rinig ko ang prostration ni kuya yani habang sinusubukang tawagan ang P.A ko.
Bakit uunahin niya pang problemahin yung P.A ko samantalang yung totoong problema namin di niya pa iniisipan ng solusyon.
"Pwede ba Kuya yani, hayaan mo na siya! Mag hanap ka nalang ng ibang P.A!" hindi ko na napigilang lumapit sa kanya, naiirita na ako sobra! Ano bang meron sa lalaking yun at nag kakaganito si kuya yani. Ang dali lang naman mag hanap at mag palit ng P.A madaming nag hahanap ng trabaho.
hindi na ako pinansin ni kuya yani, lumabas nalang ito ng dressing room. Medyo nabastos ako dun ah, ano to uunahin niya pang hanapin P.A ko kaysa mag trabaho.
Sa inis ko napascroll nalang ako ng phone, pinapakalma ko sarili ko. At iniisip din kung itutuloy ko paba tong finale performance.
Habang busy ako sa phone ko, at bago ko sana gamitin ang airpods para makapag isip kung anong gagawin ko ngayon. Narinig ko ang malakas na pag buhos ng ulan.
"Ah umuulan pala, as if naman nag hahanap pa yun. Baka nag hahanap na ng bagong trabaho." pinag sa walang bahala ko nalang at nag scroll nalang ako sa twitter ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ilang minuto din ng bumukas ang pintuan ng dressing room ko, dahan dahan akong lumingon para silipin kung yung P.A ko yun, baka makapal ang muka eh tapos bumalik para mag sorry. Pero si kuya yani ang pumasok sa loob dala dala ang gitara.
tinanggal ko muna ang airpods sa tenga ko.
"Mag gitara ka nalang, alam mo naman chords diba." sabay abot sakin ng gitara. Bago ito tuluyang pumunta sa side at busing busy sa pag kalikot ng phone. Siguro chinachat or sinusubukan tawagan yung P.A ko.
Nakakainis, kung ginawa niya lang sana ng tama trabaho niya odi sana kakanta nalang ako, binigyan pa ako ng dagdag trabaho para mag gitara nakakairita talaga yung lalaking yun.
Napatingin ako sa bintana sa gilid ko, mas lumalakas ang ulan. Hindi naman sa nag aalala ako, pero imposibleng nag hahanap padin yun. Baka nakauwi na yun at nag sisimula ng mag empake ng gamit.