Stell's POV
Matagal kong pinag-isipan ang sinabi ni Kuya Yani. Simula noong aksidente sa shooting, sumasama pa rin ako sa mga errands ni Pablo, pero hindi ko maiwasan ang kakaibang pakiramdam kapag tinitingnan ako ng mga tao. Parang may bumabalik sa akin na bigat mula sa nangyari. Maybe Kuya Yani was right. Baka mas makabuti na maiwan na lang ako sa bahay. Bukod sa mas makakatipid kami, hindi na rin ako magiging pabigat kay Pablo.
Pag-uwi namin ni Pablo, habang kumakain ng dinner, nagdesisyon akong kausapin siya nang masinsinan. Hindi ko sinubukang ipakita na alam ko na lahat. Ayokong magkaroon sila ng misunderstanding ni Kuya Yani, kaya malumanay akong nagsalita.
"Mahal, sa tingin mo, mas okay kung dito na lang ako sa bahay?" tanong ko, nakatitig sa plato.
"What do you mean?" sagot niya, kita ang pagkalito sa mukha niya.
"Hmmm... I'll quit being your P.A."
"What?!" gulat niyang tanong, halos malaglag ang kutsara. "Makikipaghiwalay ka na sa akin?!"
"Napaka O.A!" natawa ako. "Kaya nga sabi ko, dito na lang ako sa condo, tapos hiwalay agad? Ibig kong sabihin, mag-stay na lang ako dito. Since super lapit na ng board exam ko, mas mabuti siguro kung magre-review na ako nang maaga."
Pablo sighed in relief, at ngumiti. "Kinabahan ako, pero I like it! Mas mabuti nga kung dito ka na lang." Sabay nguya ng pagkain.
"About our living expenses, makikishare ako, pero hindi ganun kalaki ha. Pasensya na, mahal. Babawi ako soon." sabi ko, halatang nahihiya habang pinaglalalaruan ang mga kubyertos.
"Mahal, no worries sa mga expenses natin. I'll handle them. Kaya nga ako nagtatrabaho, para sa atin."
"Nakakahiya po..." sabi ko, mahina ang boses.
"Mahal naman," lumapit siya at hinawakan ang kamay ko. "Boyfriend mo ako. Kung ano yung sa akin, sa iyo din. Besides, I can be your sugar daddy habang wala ka pang trabaho." Ngumisi siya, pilit na nagpapatawa.
Napangiti ako. Alam kong wala akong choice. May ipon naman ako, pero kung gagastusin ko agad, baka maubos nang hindi ko inaasahan. Pinangako ko sa sarili kong babawi ako kay Pablo sa tamang panahon.
"No, I don't like you to be my sugar daddy," sagot ko, tumingin nang diretso sa kanya. "Pero lahat ng gawain dito sa bahay, ako nang bahala, Mahal, para hindi naman ako freeload—"
"Shhh..." tinakpan niya ang bibig ko bago ko matapos ang sinabi. "Don't mention the word 'freeloader', Mahal. Pwede bang tawagin na lang natin 'Asawa duties'?"
Natawa ako sa sinabi niya. Tama nga naman. Sa magiging set-up namin, parang mag-asawa na kami.
"Okay, asawa," sagot ko, nakangiti. "Work hard para sa future natin!" pabirong sabi ko, sabay taas ng kamao.
Ngumiti siya at ipinakita ang muscles niya. "Yes, wifey! Ako bahala sa pamilyang ito."
"Oo nga pala," bigla kong naalala. "I'll ask Kuya Yani na si Xii na lang ang maging P.A mo. Alam ko naman na maaasahan siya, pero Mahal, please lang, paki-lessen ang pagiging atechona ha?"
Tumawa siya nang malakas. "Opo, minimal atechona mode, para hindi ka mag-alala."
Our conversation went well. Hindi na niya ako pinag-submit ng resignation letter. Hindi na rin ako pumunta sa W.P. building. Hindi rin naman ako nagtaka, dahil alam ko na—siya talaga ang nagpapasweldo sa akin.
BINABASA MO ANG
TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]
ФанфикшнIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?
![TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]](https://img.wattpad.com/cover/347018809-64-k850896.jpg)