"Konti nalang feeling ko crush mo na ako" Pabirong sabi ni Stell.
Pilit na tawa lang ang naisagot ko, sa totoo lang medyo nanginig ako sa mga sinabi niya. Kung pwede lang sabihin ko sa kanya na OO tama ka, pero mas gugustuhin kong sabihin sa kanya ng personal.
"Sir Pablo, may kumakatok ata sa pintuan." bigla akong bumalik sa realidad ng marinig ko ang huling malakas na pagkalabog ng pinto.
"Ahh oo wait baka si kuya yani." binaba ko muna ang phone, bago tumayo para buksan ang pintuan.
"Pablo, tara na ready na daw yung dinner. Sumunod ka nalang." Sabi ni kuya yani, tumango naman ako bago ito tuluyang maglakad palayo.
Pagka sara ko ng pintuan, nagpaalam na muna ako kay Stell.
"Stell, kain lang muna kami saglit."
"hmm okay, eat well po."
"Message ako after." Nakangiti kong sabi.
"Okay po, ingat sir!" Ngumiti din naman ito.
Pwede bang hindi nalang ako kumain? Parang sa mga ngiti palang ni Stell busog na ako.
"Ikaw din mag ingat jan." Huli kong hirit bago pindutin ang end call.
Pagkapatay ko ng phone, bumaba na ako sa restaurant kung saan nagpa reserved si kuya Yani para sa dinner namin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.