PART 48 🎭

596 23 14
                                        

Pablo's POV:

Wala na akong ibang maisip na dahilan, baka kasi pag nalaman niyang may nangyari sakin baka mag aalala siya, tapos kausapin niya na ako.

Pag bukas ng pinto, nakita ko si Stell na hinahabol pa ang hininga, mukang nag mamadaling pumunta dito.

Tama nga ako di niya ako matitiis.

Bigla tuloy kumabog yung dibdib ko.

Hindi ko nga alam pano sisimulan ang pag kanta ko.

*Pablo singing

"Ginagawa mo?" Halatang iritang tanong sakin ni Stell, nang mag simula na akong kumanta.

Ano paba, edi sinusuyo ka.

"Nakonsensya ka no?"

Hindi ba obvious? Kaya nga kinakantahan kita eh, sana mapatawad mo na ako.

"Odi wag kang mamansin."

Sandali naman, patapusin mo muna akong kumanta.

"Kanta kanta pa, bahala ka jan."

Heto lang kasi alam kong paraan, baka sakaling mapatawad mo na ako.

"Matagal ako mag tampo no."

Odi susuyuin kita hanggang sa mawala na yang tampo mo.

"Miss mo na ko no?" hindi ko mapigilang mapangiti sa tanong niya. Mag sisinungaling ako kapag sinabi kong hindi, kasi ang totoo miss na miss na kita.

Nang matapos na akong kamanta, lumapit ako kay Stell.

"Stell, bati na tayo sorry na." naka nguso ko pang sabi.

" naka nguso ko pang sabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Stell's POV:

"Stell, bati na tayo sorry na." Nakakainis naman eh, nag tatampo pa ako. Bakit naman may panguso, feeling ko tuloy anytime bibigay na ako sayo.

"Uyy, sorry na kasi." hinawakan pa nito ang kamay ko.

Potek na yan, stell huwag marupok please!

TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon