PART 170 🎭

446 15 3
                                        

Stell's POV
Pagdating ko sa unit, nadatnan ko si Pablo na nakaupo sa sofa. Mukhang kanina pa siya naghihintay.

"Mahal, kanina ka pa?" malambing kong tanong, naka ngiti. Ngayon nalang ulit kami nag abot.

"Yeah.." tipid at malamig niyang sagot.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Gusto ko sanang ikuwento na parang may sumusunod sa akin kanina. Kahit ayokong mag-alala siya, pero wala akong choice dahil natatakot ako at alam ko na siya lang ang maaasahan ko, dahil proprotektahan niya ako.

"Maha—" hindi ko pa nasisimulan ang sasabihin ko nang bigla siyang sumigaw.

"MAGKASAMA KAYO NI FELIP? BAKIT HINDI KO ALAM? BAKIT HINDI KA NAGPAALAM?"

Natigilan ako. Paano niya nalaman na kasama ko si Junjun? Dahil kahit ako nagulat sa biglaang pagdating niya kanina.

"Stell, kinakausap kita! Bakit kasama mo siya?"

"Mahal, sumunod lang siya. Hindi ko alam na pupunta siya. Saka hindi na kita na-update kasi nag-enjoy ako kasama—"

"Na kasama siya?! Na kayakap siya?!"

Natameme ako. Pinapasundan ba niya ako? Ibig sabihin ba, yung mga lalaking kanina pa sumusunod sa akin ay nire-report lahat ng ginagawa ko kay Pablo?

"Bakit hindi ka makapagsalita, Stell? Ano ba? Meron na ba kayo ni Felip? Are you cheating behind my back, ganun ba? Ano sawa ka na? Iiwan mo na ako?" nanginginig niyang tanong, galit ang boses niya.

"Sandali nga, Pablo. Parang ako dapat ang magtanong sayo niyan. So okay lang kayo ni Glee lumabas nang hindi ko alam, pero ako hindi? Okay lang na isipin kong hindi ka nag checheat, habang magka yakap at magka holding hands kayo, o kaya naka halik siya sa pisngi mo? Ganun ba? Parang napaka-selfish mo naman yata." Napalingon ako sa kanya. Ang saya ko kanina nang makita siya, pero napalitan iyon ng galit at hinanakit.

"Iba iyon, eh! Kung ano meron sa amin ni Glee, trabaho lang lahat yon!" mahigpit na hawak niya ang magkabilang balikat ko, pilit akong pinapaliwanagan.

Napa-kagat-labi ako, ramdam ang bigat ng bawat salita niya.

"Trabaho?" Hinawi ko ang mga kamay niya at tumayo. "Utang na loob, Pablo! Lagi na lang trabaho ang dahilan mo." Nang hihinang sabi ko "Trabaho, trabaho, trabaho lang. Aaaahh Nakakarindi!!" Hindi ko na napigilan mapa sigaw. "Pero sigurado ka ba na trabaho lang?" natawa ako ng mapait "Kasi sa kilos niyo ni Glee, parang hindi na, eh."

"Trabaho lang naman talaga! Saka wala akong gusto kay Glee! Alam mo yan, diba?"

"HINDI KO NA ALAM KUNG ANO ANG PANIWALAAN KO." Nanginginig kong sagot bago ako huminga nang malalim. "Pwedeng bukas na lang tayo mag-usap? Ayokong lumala pa ito. Pagod ako, please."

"No! Pag-usapan natin ngayon! Mahal, ayokong dumidikit ka kay Felip. Mahirap bang gawin iyon?"

Tumingin ako sa kanya "Kapag sinabi ko bang huwag ka nang dumikit kay Glee, gagawin mo?" Natigilan siya. Wala siyang maisagot.

"See? Hindi mo masagot. Kung nagalit ka dahil kay Junjun, sorry. Pero ako sigurado akong KAIBIGAN ko lang siya, at katulad mo, hindi ko rin siya kayang layuan." Matigas at mapait kong sagot sa kanya.

Akma niya akong hahawakan ulit, pero biglang umikot ang sikmura ko. Napatakbo ako sa banyo, ini-lock ang pinto, at binuksan ang shower para hindi niya marinig ang paghagulgol ko.

"Mahal, sorry na sa mga nasabi ko kanina. Nagselos lang ako, please open the door." pakiusap niya kasabay ng sunod sunod na pag katok sa pinto. "Mahal, usap na tayo please. Just trust me, may kailangan lang akong—"

Hindi ko na siya pinatapos. Ayoko ng marinig pa. Gusto ko siyang paniwalaan, pero parang nahihirapan na rin ako.

"Mahal, bukas na lang tayo mag-usap, please. Maliligo na po ako." mahinahon at malambing kong  sabi, pilit na itinatago ang sakit sa dibdib ko. Ang sakit, lalo na nung hindi siya makasagot kanina. Gusto ko siyang intindihin, pero ang gulo na ng lahat.

Bakit ganito? Bakit parang palayo na kami sa isa't isa? Kung alam ko lang na magkaka ganito kami, sana pala hindi nalang ako pumayag sa ganitong set-up. Baka sakaling hindi nang yayari ang lahat ng ito.

--

Kinuha ko ang telepono at dinial ang number ni Justin. Ilang ring pa lang ay agad siyang sumagot.

"Hello, Stell, bakit napatawag ka?" tanong niya, kalmado ang boses.

"Justin..." Ramdam ang panginginig ng boses ko habang nagsisimula muling tumulo ang mga luha ko. "Bakit ang sakit-sakit..." Hindi ko napigilan at ikinuwento ko sa kanya ang lahat—kung paano ako nasigawan ni Pablo dahil kay Junjun.

Tahimik siya sandali. Parang hinihintay ko ang mga salitang magpapagaan ng pakiramdam ko, pero narinig ko ang mahinang buntong-hininga niya bago siya sumagot.

"Stell, hindi naman sa pinapanigan ko si Pablo, pero intindihin mo rin siya. Tama naman siya, magkaiba kasi iyon. Sa kanya, trabaho. Sempre mag-seselos yon, kasi boyfriend ka niya. Kaya sana unawain mo din siya. Hays~ Itulog mo na lang yan, tapos mag-usap kayo bukas."

Parang may kirot sa dibdib ko sa lamig ng tono niya. Siguro pagod, at naistorbo ko siya? Pero bakit ganito? Hindi ba dapat nasa panig ko parin siya, kahit papaano?

Siguro nga, ako ang mali at hindi ko siya inintindi. Masyado lang kasi akong nadala sa mga nangyari kaya ganoon na lang din ang mga nasabi ko kay Pablo. Hindi ko na kasi ma kontrol pagiging moody ko, kaya tama si Justin. Hindi dapat ganon trinato ko kanina.

Pagkalabas ko ng banyo, inayos ko ang sarili ko. Sinalubong ako ni Pablo, nakaabang sa pinto. Ang bigat ng mga mata niya, parang kanina pa niya ako hinihintay.

"Mahal..." malumanay niyang sabi, at agad akong niyakap. Ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya, puno ng pagsisisi.

"Sorry na, Mahal... Hindi ko dapat sinabi ang mga yon, alam kong ako lang ang mahal mo, kaya dapat nag tiwala ako sayo.. Hindi ko sinasadya, sorry talaga mahal, sorry pati kaibigan mo pinag seselosan ko. Sorry din, hindi ko alam apektado ka pala kay Glee. Mahal, alam mo naman ikaw lang diba? Mahal na mahal kita, kaya please mag tiwala ka sa akin..." Paulit-ulit siyang humingi ng tawad, at naramdaman ko ang init ng kanyang mga salita.

Tumango na lang ako. Pilit kong inipon ang natitirang lakas ko at ngumiti. "Mahal din kita, mahal na mahal, kaya kalimutan na lang natin. Matulog na tayo, okay?"

Hinawakan ko ang kamay niya at inakay siya papunta sa kama. Humiga kami, at niyakap niya ako.

Habang nakahiga, nakatingin ako sa kisame. Bigla nanaman akong nakaramdam ng hilo, at sakit sa tiyan ko. Napapikit nalang ako, pilit na nilalabanan ang sakit.

Kailangan ko na talaga, magpa-check-up. Hindi na normal ang nararamdaman ko. Sana, hindi na bumalik ang dating sakit ko. Sana...

TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon