PART 140 🎭

370 18 3
                                        

STELL'S POV
Nandito kami sa isang TV station, meron kasing meeting si Pablo at Glee, para sa isang show.

Maaga kaming naka rating, nakapasok na sila sa loob, para sa meeting. Sabi ni kuya yani may makakasama pa daw silang isa. Pero hindi pinangalanan ng management.

Habang nag hihintay, naka upo lang ako dito sa bench sa tapat ng pinto, hindi kasi ako pwedeng pumasok sa loob since artist and manager lang ang kailangan sa loob.

"Stell!" Nagulat ako nang may tumawag sa pangalan ko, kaya napalingon ako.

"Junjun? Bakit nandito ka?" Nakangiting tanong ko, tagal nadin kasi namin hindi nag kita ni Felip.

"Work, hehe. Teka maya na tayo catch up, baka hinihintay na ako sa loob." Kumaway muna ito sakin bago pumasok sa kwarto kung nasaan sila Pablo.

"Huh, si Felip ang kasama nila sa show?" Bulong ko sa sarili.

--

PABLO'S POV

"Sorry I'm late, kakatapos lang ng work ko eh." Pag bungad ni Felip pag bukas ng pinto.

Nanlaki ang mata ko, hindi ko inexpect na siya ang makakasama namin ni Glee sa show na ito.

"It's okay Felip, nasabihan na kami ng manager mo about your schedule, kaya aware kami na malalate ka. Teka upo ka muna." Umupo ito sa tabi ni Glee.

"Sabi ko nga meron pa kayong makakasama, so this is Felip." Tumayo si Felip para mag introduce sa sarili.

"Hi bro, ikaw pala makakasama ko." Nakangiting sabi nito nang makita ako, ngumiti nalang din ako, kahit sa totoo lang medyo ilang talaga ako sa taong to.

Pag katapos nitong makipag kilala sa mga tao dito sa loob, umupo nadin ito. Kinausap nadin kami ng producers kung paano ba ang flow ng show.

Bali lilibot kami sa iba't ibang lugar dito sa Pinas, at sa bawat lugar na iyon mag tutulong tulong kami para mag sulat at mag produce ng kanta.

Grinab ko ang show na ito dahil malaking tulong ito para makilala ang Pilipinas, ang nilalaman kasi ng kanta ay ang iba't ibang kultura at ganda ng bansa. Pero hindi ko talaga sukat akalain na si Felip ang isa pa naming makakasama, kaya siguro hindi pinangalanan, baka kasi umayaw ako. Pero wala na akong magagawa dahil naka pirma na ako dito. At gusto ko din talagang gawin ito.

Nang matapos na ang meeting namin, isa isa nadin kaming lumabas. Nakita ko si Stell na nakaupo sa tapat ng pinto. Lalapitan ko na sana ito, kaso naunahan ako.

"Tey, sorry kanina nag mamadali ako eh, kamusta ka pala." Nakangiting sabi ni Felip

"Ayos lang ako, ikaw kamusta na? Nakakadalaw ka paba sa shelter?" Nakangiting sabi ni Stell.

"Hindi pa nga eh, masyado kasing busy."

"Same huhu."

"Stell sabihan mo ako kapag dayoff mo, para sabay na tayong dumalaw."

"Sige, miss ko nadin sila eh."

Kumukulo ang dugo ko, bakit ba kasi nandito ito. Lalapitan ko na sana si Stell para ayain ng umuwi, pero hinawakan ako ni Glee, nakakunot noo tuloy akong napalingon sa kanya.

"Babe, may sasabihin pa daw si direct sayo." Napangisi nalang ako sa tawag niya sa akin, hanggang ngayon kasi kinikilabutan padin ako, sa tuwing umaarte kasi kami sa harap ng ibang tao, babe ang tawagan namin.

TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon