PART 86 🎭

570 18 6
                                        

Stell's POV

Sobrang saya ko, kasi finally may nasabihan nadin ako tungkol samin ni Pablo. Pagkatapos ko kay Junjun, si justin naman ang sasabihan ko. Pero not now, masyado pa kasing busy si Justin, kailangan niyang mag focus para mag review.

Excited na akong umakyat ng Condo, hindi nadin kasi ako sanay na hindi kasama si Pablo. Pag dating ko sa unit, nag shower din agad ako. Feeling ko kasi ang lagkit lagkit ko, na hype din kasi ako sa concert ni junjun.

Pagkatapos ko mag shower, dumaretsyo nadin ako sa unit ni Pablo. Pauwi na din daw kasi ito.

Pablo's POV

Sobrang nakakapagod, pero pag naiisip kong meron si Stell na bubungad sakin sa pag uwi, hindi ko mapigilang mapangiti. Pakiramdam ko kasi mag asawa na kami, kumbaga, pauwi na ako sa trabaho tapos yung misis ko nag aabang sa pinto.

"Hoy Pablo, anong nginingiti mo jan?" Tanong sakin ni Kuya yani.

"Wala kuya yani."

"Luh, wala lang si Stell, mukang nasisiraan ka na ng ulo jan." Natatawang sabi pa nito.

"Dami mong sinasabi kuya yani, matagal pa ba tayo? Gusto ko ng magpahinga." Wala kong ganang sabi.

"Aruyy~ Baka sabihin mo lang miss mo na si Stell, kaya nag mamadali kang umuwi."

"Ewan ko sayo, bahala ka nga jan." Natawa lang si Kuya yani, hindi ko nadin ito pinansin, kasi totoo namang si Stell ang dahilan ng mga ngiti ko, at totoo ding masisiraan na ako ng ulo dahil miss na miss ko na talaga siya.

Nang makarating na kami sa building, agad din naman akong bumaba at umakyat sa unit ko.

Pag bukas ko ng pinto, nakita ko si Stell nakaupo sa sofa. Agad din naman itong tumayo at lumapit sakin.

"Kamusta work Blue?" Tanong nito habang yakap yakap ako.

Hays~ hindi ko nanaman mapigilang mapangiti, si Stell talaga yung pahinga ko.

"Ayos lang Teal, miss na miss kita." sagot ko ng yakapin din ito pabalik.

"Kumain kana?"

"Oo, kumain na kami kanina, alam ko din kasing nag dinner kana. Kaya sumabay na ako kay kuya yani."

"Okay, teka mag shower kana blue. Para makapag rest kana."

"Samahan mo kaya ako?" Paglalambing kong sabi.

"Hay nako mga galawan mo talaga, mamaya may balak ka nanaman. Saka nag shower nadin ako no. Ayoko na, hirap kaya magpatuyo ng buhok."

"Sige na Teal, shower na tayo." Pag pupumilit ko.

"Iss! Bilis na, hintayin kita dito." Kumalas na ito sa pag kakayakap at nag lakad pabalik sa sofa.

"To talaga, sige na nga. Wait lang huwag mo ko iwan ha?"

"Opo, manunuod muna ako habang nagshoshower ka."

Naglakad muna ako papalapit sa kanya, at hinalikan ko muna ito bago tuluyang pumasok sa CR.

Pag kalabas ko ng banyo, hindi nga umalis si Stell. Nakaupo lang ito habang nanunuod, nag lakad naman ako papalapit sa kanya at niyakap ito sa likod.

"hmm. Bango mo blue ah." Bahagyang lumingon pa ito, at inamoy ang leeg ko.

"Sempre naman, kamusta araw mo teal ko?" Nakangiti kong tanong.

TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon