STELL'S POV
Kinabukasan, pagkatapos namin mag-almusal, naglibot-libot lang kami ni Pablo sa isla. Nag-swimming kami, naglaro sa buhanginan, at naglambingan habang pinapanood ang mga alon na tila walang kapaguran. Ramdam ko ang kalayaan na bihira naming maramdaman sa siyudad.
Bago magtanghali, tinawag kami ni Nanay Imelda para kumain. Sinabi ko na sana ako na ang magluluto ng tanghalian, pero agad niya akong pinigilan.
"Mamayang gabi ka na bumawi, anak. Sulitin niyo muna ang oras ni Pablo." Hindi na ako nakipagtalo. Tama siya. Bihira na lang talaga kaming magkaroon ng ganitong pagkakataon. Kaya sumang-ayon na lang ako at sinulit ang oras naming magkasama.
Pagkatapos ng tanghalian, tumambay kami sa kwarto. Napagdesisyunan naming manood ng movie. Nakahiga kami sa kama habang magkasamang nakatalukbong ng kumot. Habang nasa kalagitnaan ng movie, napansin kong nakatulog na pala si Pablo. Napangiti ako. Alam kong kailangan niya rin ng pahinga. Hinayaan ko na siyang matulog, dahan-dahan akong tumayo at lumabas para simulan ang paghahanda para sa party mamaya.
Sa kusina, nagsuot ako ng apron at nag-umpisang maghanda ng mga ingredients. Habang hinihiwa ko ang mga gulay, ramdam ko ang excitement. Gusto ko lang siguraduhing espesyal ang gabing ito para kay Nanay Imelda.
Habang hinihintay kong lumambot ang karne ng sinigang, kumuha ako ng decorations na nabili ko kahapon. Simple lang ito mga papel na bulaklak at ilang lobo, pero sapat na para maramdaman ang espesyal na araw.
Nang matapos ko na ang unang dalawang putahe, inilagay ko ang mga ito sa food warmer. Pagbalik ko sa kusina, tinikman ko ang sabaw ng sinigang. Napangiti ako.
"Hmm... Sakto yung asim. Pasado to kay Pablo." bulong ko sa sarili.
Biglang may yumakap sa bewang ko mula sa likod.
"Patikim nga kung pasado." malambing na sabi ni Pablo, na ikinagulat ko. Napatingin ako sa kanya, nakangiti siyang parang bata habang nakatingin sa kutsarang hawak ko.
"Bwisit ka, Mahal! Nagulat ako!" nakakunot-noong sabi ko, pero ngumiti rin ako. Kinuha niya ang kutsara kong may tirang sabaw at tinikman ito.
"Hmm... Ang sarap, Mahal. Pwede na akong asawahin!" biro niya sabay taas-baba ng kilay. Hindi pa siya nakuntento, hinalikan pa niya ako ng sunod-sunod sa pisngi.
"Mahaaal, nagluluto ako!" sabi ko, pilit na pinipigil ang ngiti.
Biglang narinig namin ang tawa ni Tatay Berto mula sa likod.
"Naku, mukhang nakakaistorbo ako sa lambingan niyo." sabi niya habang nakatayo sa pintuan, nakangiti. Sa gulat ko, hihiwalay na sana ako kay Pablo, pero mas hinigpitan niya ang yakap niya sa bewang ko.
"Hindi naman po, Tay. Nilalambing ko lang itong magiging manugang niyo." sagot ni Pablo na ikinapula ng mukha ko.
"O siya, sinilip ko lang kayo kung kailangan niyo ng tulong. Pero mukhang hindi na ako kailangan dito. Iwanan ko na kayo-pero hinay-hinay lang, baka biglang tumamis ang sinigang niyo sa sobrang labing labing!" biro ni Tatay bago tumawa at lumabas.
--
Pagdating ng gabi, nagtipon kami para ipagdiwang ang birthday ni Nanay Imelda. Pagkatapos naming kantahan siya ng "Happy Birthday," iniabot ko ang maliit na cake na binake ko. Pinahipan namin sa kanya ang kandila.
"Anong wish mo, Nay?" tanong ni Pablo.
"Ang wish ko, humaba pa ang buhay namin ng tatay mo, para maabutan pa namin ang kasal niyo at ang magiging apo namin." nakangiting sagot niya.
"Nay naman..." sabi ko, namumula habang sinamaan ng tingin si Pablo. Nakangiti lang siya, mukhang natutuwa sa sinabi ni Nanay.
"Stell, anak, maraming salamat ha. Sobrang saya ko. Masaya akong nakahanap si Pablo ng katulad mo." sabi ni Nanay habang hawak ang kamay ko.
"Walang anuman po, Nay." sagot ko habang nakangiti.
Pagkatapos kumain, tumulong kaming lahat sa pagliligpit. Nang pumunta ako sa kusina para kumuha ng inumin, sinundan ako ni Tatay Berto.
"Anak, maraming salamat ha. Sobrang saya ng asawa ko. Hindi ko alam kung paano ko mapapasalamatan ang effort mo." sabi niya habang nakangiti.
"Ano po kayo, Tay. Ayos lang po. Masaya rin po ako na masaya si Nanay" Nakangiting sagot ko.
"Sana magtagal kayo ni Totoy. Alam mo, ngayon ko lang ulit nakita siyang ganito kasaya. Noon, parang pasan niya ang mundo. Pero ngayon, iba na. Alam kong masaya siya dahil sayo."
"Maswerte rin po ako sa kanya, Tay." sagot ko.
Pagkatapos naming magligpit, pinauna ako ni Pablo sa banyo para makaligo habang siya naman ang naghatid kina Nanay at Tatay palabas. Habang dumadaloy ang maligamgam na tubig sa katawan ko, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang saya ko talaga ngayon.
Simple lang ang celebration, apat lang kami, pero ramdam ko ang init ng pagmamahalan at kasiyahan. Para bang kahit walang engrandeng handa, puno pa rin ng mga bagay na mahalaga-pamilya, tawanan, at pagmamahalan.
Kanina nga, sobrang natuwa ako nang mag-request si Nanay na mag-duet kami ni Pablo. Hindi ako makatanggi, lalo pa't special ang araw niya. "Basta't Kasama Kita" ang pinili niya, sabi pa nga niya, theme song nila ni Tatay.
Habang kinakanta namin ang bawat linya, pansin kong nakangiti lang si Pablo habang nakatitig sa akin. Parang gusto niyang sabihin na ito na rin ang magiging kanta namin. Hindi ko mapigilang kiligin sa idea.
"Sana kami rin ni Pablo, tumagal gaya nila." bulong ko sa sarili habang iniisip ang posibilidad ng kinabukasan naming magkasama at ngayong gabi, parang nahanap ko ulit ang dahilan kung bakit ang sarap mahalin ni Pablo.
BINABASA MO ANG
TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]
FanfictionIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?
![TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]](https://img.wattpad.com/cover/347018809-64-k850896.jpg)