Stell's POV:
Ilang araw nadin ang nakalipas simula ng bumalik ako sa trabaho, mas naging close na kami ng alaga ko.
"Stell, kape nga please." sabi ni pablo habang nag hihintay ng on cue para sa kanyang interview.
Sunod sunod nadin kasi ang mga projects nito, kaya mas naging busy kami lalo na ang alaga ko. Kaya bakas sa boses nito ang pagod.
"Okay, may gusto ka paba? Food, snacks?"
"Kape lang okay na ako."
"Okay, baba na ako."
"Okay."
Bumama na ako, at nag hanap ng malapit na coffee shop na malapit lang dito.
Nang makahanap na ako ng Cafè, pumasok nadin agad ako.
"Good day Sir, what's your order?" tanong sakin ng babae.
"Black coffee please, no sugar basta pure black coffee lang po." inulit ulit ko pa ito para maka sigurado.
"Okay sir, anything else?"
Hmm.. Sabi naman ni Pablo kape lang sa kanya.
"Isang Strawberry cheese cake, yun po yung naka small tub." na kuha kasi ng attention ko yung pink na tub na merong strawberry, favorite ko pa naman to.
"Okay sir, 439 pesos po." inabot ko na sa kanya yung bayad, nag hintay naman ako saglit habang hinahanda niya yung kape.
Nang okay na, kinuha ko na ang order ko at nag lakad nadin pabalik.
Pag pasok ko ng kwarto kung nasan si Pablo, iniabot ko na din sa kanya yung kape niya.
"Thank you Stell."
Nakakatuwa lang tong si Pablo, kasi kahit maliit na bagay marunong na siya mag pasalamat. Unlike dati na kahit tumambling pa ako para bumili ng kape, tanging sama ng loob lang ang natatanggap ko.
Agad din naman niyang ininom ito, kaya bumalik na muna ako sa sulok to eat my strawberry cheese cake.
"Sarap talaga, huhu nakakahappy naman." bulong ko sa sarili ko ng sumubo na ako.
Pablo's POV:
Habang humihigop ng Kape, napansin ko si Stell na nasa isang sulok.
"Anong kinakain non?" bulong ko sa sarili ko ng mapansing napapasayaw pa ito while eating.
Nacurious ako kaya nag lakad ako papalapit sa kanya.
"Ano yan?"
"Ito? Strawberry Cheese cake. Binili ko sa cafè kanina." nakangiti pa nitong sabi.
Mas lalo tuloy akong na curious sa lasa, bakit ba kasi napapasayaw pa ito.
Stell's POV:
"Sir Pablo, anong ginagawa mo?" irita kong tanong ng bigla nalang nitong agawin ang kutsarang hawak ko.
"Penge, damot naman."
Sabi kanina, wala na siyang gusto, ano to!
Wala na akong palag ng mahablot niya na ang kutsara sa kamay ko, at sumubo ng kinakain ko.
"Sarap nga." sabi nito sakin habang nasa bibig niya pa ang kutsarang nang galing sa bibig ko.
*Dug Dug Dug (Heart beats)
BINABASA MO ANG
TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]
FanfictionIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?
![TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]](https://img.wattpad.com/cover/347018809-64-k850896.jpg)