"Anong nangyari sayo? Bakit magang-maga 'yang mga mata mo?" tanong ni Junjun, halata sa boses niya ang pag-aalala.
Saglit akong tumahimik, pilit na pinipigilan ang mga luhang nagbabanta na namang bumagsak. Huminga ako nang malalim bago nagsalita, "Jun, pwedeng mag-drive ka muna? Kailangan kong lumayo sa lugar na to. Please, huwag sa condo mo. Kung pwede sa malayong hotel o kahit saan basta malayo."
Walang alinlangan, agad niyang pinaandar ang sasakyan. Habang nasa loob, tahimik lang akong umiiyak, nakatingin sa bintana, pinagmamasdan ang mga ilaw ng syudad na unti-unting nagiging malabo dahil sa mga luha ko. Alam kong ramdam ni Junjun kung gaano kabigat ang dinadala ko ngayon, pero mas pinili niyang manahimik.
Sa mga oras na yon, para bang ang bigat ng mundo'y nasa mga balikat ko. Pakiramdam ko, walang hinto ang sakit. Ilang beses kong sinubukang pigilan ang mga hikbi ko, pero parang lalo lang bumibigat ang dibdib ko.
Ilang oras din kaming nagbiyahe, at sa pagod, di ko namalayang nakatulog na pala ako sa sasakyan. Nang magising ako, napansin kong hindi hotel ang destinasyon namin. Isang simpleng bahay ang aming pinuntahan, malayo sa syudad, tahimik, at tila ligtas mula sa lahat ng gulo.
Pagpasok namin sa loob, inalalayan niya akong maupo sa sofa. Pumunta siya sa kusina at bumalik na may dalang bottled water. Tahimik niyang inabot iyon sa akin. Nang medyo kumalma na ako, kinuwento ko sa kanya ang lahat.
Habang nagsasalita ako, bakas sa mukha ni Junjun ang galit. Ang mga kamao niya'y mahigpit na nakatikom, at parang anumang oras ay handa siyang manuntok. Tumayo siya, nagbabadyang sugurin si Pablo, pero agad ko siyang pinigilan.
"Jun, buntis ako." mahinang sabi ko, halos pabulong. Nanlaki ang mga mata niya, at biglang namula ang buong mukha. Napasuntok siya sa unan sa kabilang upuan, hindi na maitago ang galit at pagkadismaya.
"Tangina, Pablo!" galit na sigaw niya, sabay lingon sa akin. "Alam ba ng gagong yon?" tanong niya, puno ng hinanakit. Umiling ako, hindi makapagsalita.
Napabuntong-hininga siya nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili. Naupo siya muli sa tabi ko at tiningnan ako ng diretso sa mga mata. "Anong plano mo?" mahinahong tanong niya, pero bakas pa rin ang galit sa boses niya.
Hindi ako nakasagot. Parang napako ako sa kinauupuan ko. Sa totoo lang, wala talaga akong plano. Paano ba magdesisyon kung lahat ng iniisip mo ay nagiging usok sa harap mo?
Napamasahe siya sa sentido, halatang nag-iisip ng paraan. Kinuha niya ang telepono at may dinial na numero. Kinabahan ako, akala ko si Pablo ang tinatawagan niya, pero hindi.
Ilang minuto rin ang tinagal ng tawag bago niya ako muling hinarap. "Matulog ka na. Aalis tayo bukas." sabi niya, punong-puno ng determinasyon.
"Saan tayo pupunta?" nag-aalalang tanong ko, hindi maitago ang kaba sa boses ko.
"Basta, magtiwala ka sa akin. Hindi ko kayo iiwan ng magiging anak mo." Sa kabila ng mga salitang iyon, naramdaman ko ang takot. Parang nagkaroon na ako ng trauma sa salitang 'tiwala,' pero ngayon, wala na akong ibang pagpipilian. Kailangan kong ilayo ang anak ko. Sobrang bigat na, at ayokong pati siya mawala sa akin. Hindi ko na yon kakayanin.
Kinabukasan, maaga akong ginising ni Junjun. Mamaya raw ay darating na ang sundo ko, kaya kailangan ko nang mag-ayos. Naligo ako, nagbihis, at nag-agahan muna kami. Habang nasa hapag-kainan, ipinaliwanag ni Junjun ang lahat.
"Hindi ako sasabay sayo para hindi makapukaw ng atensyon. Pero sasamahan ka ni Nanay Gema. Huwag kang mag-alala, siya lang ang pinagkakatiwalaan ko. Siya na ang nag-alaga sa akin, lalo na kapag wala si Mommy."
BINABASA MO ANG
TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]
FanfictionIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?
![TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]](https://img.wattpad.com/cover/347018809-64-k850896.jpg)