THIRD-PERSON POV Sinigurado ni Pablo na walang makakakita o makakakilala sa kanila, habang pababa ito. Buti nalang ibang sasakyan ang dala nila, kaya nakauwi din silang dalawa.
Tahimik lang si Stell sa sasakyan, hindi nadin nag tangkang mag salita si Pablo, dahil pinapa hupa niya muna ang sitwasyon, alam niya kasing natakot ito sa ginawa niya kanina, kasabay pa ang mga nangyari sa prescon.
Nang makarating na sila sa condo, pinilit ni Pablo umarteng okay lang ang lahat.
"Mahal, anong gusto mong kainin, gusto mo ba mag pa deliver tayo? O gusto mo mag luto nalang ako?"Malambing na sabi.
"Gusto ko ng matulog." Ngumiti ito ng pilit.
"O.okay, sige matulog na tayo."
Pumasok si Stell sa banyo, at binuksan ang shower. Habang nag lalakad si Pablo, para asikasuhin ang damit na isusuot ng nobyo, hindi sinasadyang marinig nito ang pilit na tinatagong pag hagulgol ng nobyo sa loob ng banyo. Bigla nalang nadurog ang puso ni Pablo, napasandal ito sa dingding, at sa pag pikit, tumulo nadin ang mga luha nito.
Nang makalabas na ng banyo si Stell, nagulat ito nang makitang naka salampak sa sahig si Pablo.
"Mahal.." Nang hihinang sabi ni Pablo. "Huwag mo akong iwan please." Hindi na napigilang kumawala muli ng mga luha nito "Huwag mo akong iwan, hindi ko kaya." Hinawakan ang mga kamay ng nobyo. "Sorry, natakot ka dahil sa akin kanina, sorry nasaktan ko kaibigan mo, tama nga siguro si Felip duwag ako, naduduwag ako na mawala ka sa akin."
Umupo si Stell para pantayan ang nobyo, ngumiti ito, bago punasan ang mga luha nito.
"Okay na ako, naiiyak ko na lahat sa banyo. Kaya tumahan ka naMahal, at huwag ka mag alala, kasi hindi kita iiwan."
"Promise?"
"Opo" Smiled "Kaya maligo kana, tulog na tayo Mahal." Tumango si pablo, bago hilain si Stell, at yakapin ito.
"Mahal, sorry talaga kanina, hindi manlang kita naipag tangol."
"Okay lang Mahal, tama lang ginawa mo na hindi ka nag salita, saka hayaan mo na okay na ang lahat, naayos naman na diba?"
"I'll do better, I promise. Hahanapin ko din kung sino nag send sa mga reporters ng pictures natin. Pag babayaran niya ginawa niya."
Tumango lang si Stell, sa sinabi ng nobyo. Wala na kasi itong lakas para pag usapan pa ang mga nangyari.
Nang matapos na maligo si Pablo, tumabi nadin ito kay Stell. Niyakap niya ito ng mahigpit, para iparamdam ang pag mamahal nito. Hinawakan naman ni Stell ng mahigpit ang kamay nito, bago tuluyang ipikit ang mga mata.
--
Kinabukasan..
Nag panik si Pablo nang wala na sa tabi ang nobyo, kaya bigla nalang ito napabangon at napatakbo palabas ng kwarto. Natakot kasi ito, dahil baka iniwan na siya ni Stell, ng walang paalam.
Pag labas nito ng pinto, naka hinga naman ito nang makita ang nobyo na nasa kusina lang pala.
"Mahal?" Napatingin kay Pablo "Anyare sayo, kakagising mo lang mukang pagod ka na agad."
"Nawala ka kasi bigla." Hingal na sabi nito
"Nag luto lang ako ng breakfast since hindi tayo kumain kagabi, kaya mag hilamos ka na sakto luto na to ihahain ko nalang." Smiled.
Mabilis na nag hilamos si Pablo, at napatakbo papalapit kay Stell para yakapin ito.
"Mahal, ang aga naman mag lambing, sabi ko nga hindi ako aalis. Kaya huwag praning okay?" Hinalikan ni Stell ang nobyo at sinabihan ng maupo para, makakain na.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Wala silang pasok ngayon, nataon din talaga. Kaya sinulit nalang nila, hindi din maiwasang matawa ni Stell sa nobyo dahil sa tuwing tatayo ito para umihi, o kaya may kukunin lang naka sunod agad ang nobyo.
"Mahal kumalma ka, hindi ako aalis. Umupo ka muna duon, sumakit tiyan ko, kaya off limits ka muna sa banyo, baka ma turn off ka pa kapag naamoy mo, poop ko." Natatawang sabi nito.
Parang batang nakatitig sa nanay si Pablo, na ayaw mawalay dito.
"Bahala ka, walang takipan ng ilong ah." Hihilain na sana ni Stell papasok sa banyo ito, pero tumanggi na ito, natawa naman si Stell bago pumasok ng banyo. At naupo nadin si Pablo sa sofa.
Habang hinihintay ang nobyo, napasilip ito sa phone, chinicheck kung meroon bang article na lumabas, bukod sa prescon nila kahapon, pero walang kahit anong balita, sobrang linis. Nag taka ito, dahil imposibleng hindi gawan ng issue ng mga reporters ang mga nangyari kahapon.
Pero nag sawalang bahala nalang din ito, dahil mas mabuting hindi magulo ang pribadong buhay ni Stell.