PART 101 🎭

473 17 2
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Stell's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Stell's POV

Ilang araw din na on and off ang lagnat ni Pablo, sa totoo lang sobra sobra na ang pag aalala ko. Tuwing nagigising kasi ito ng madaling araw bigla nalang itong nanginginig at humahagulgol.

Sa tuwing tinatanong ko naman ito kung ano nga ba ang nangyari, ang lagi lang nitong sagot, binabangungot lang daw ito, at magiging okay na siya sa mga yakap ko.

Minsan napapaisip ako, pakiramdam ko may nangyari talaga sa kanya nung araw na nag paalam siyang lumabas ng gabi iyon, at bigla nalang kasi siyang nag kaganito. Gusto ko man siyang kulitin kung sino ba ang kinita niya, pero alam kong nang hihina pa ito at kailangan niya pang mag palakas, kaya hinayaan ko nalang ito at umaasa nalang ako na baka sakaling mag open up siya sakin kapag handa na siya.

Isang gabi ng maalimpungatan ako, nagulat nalang ako ng wala na sa tabi ko si Pablo. Agad akong napatayo sa kaba para hanapin ito. Natatakot kasi ako baka kung saan na ito pumunta o baka lumabas tapos bigla nalang mahimatay. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.

"Ang aga mo namang magising, alas kwatro palang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang aga mo namang magising, alas kwatro palang. Tulog kapa teal." Nakangiting bungad nito, ng makalabas ako ng kwarto. Naka upo ito sa sofa habang hawak hawak ang tablet.

Nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib ng makitang okay na ito, agad din akong lumapit dito.

"Nakaka inis ka, bakit hindi mo ako ginising. Paano kapag napano ka? Paano kapag.." Naka kunot noo kong sabi dito. Oa na kung Oa pero sa ilang araw na nag kasakit si Pablo, hindi ko na maiwasang mag alala ng sobra sobra dito.

TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon