Ang bilis talaga ng panahon, grabe. Parang kailan lang, nasa isla pa kami ni Pablo. Ayaw pa nga sana naming umalis, pero kailangan dahil may trabaho.
Ngayon, shooting day para sa season 2 ng show nila. Ayaw talaga niya akong pasamahin, pero nagpilit ako, kaya wala siyang nagawa.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Habang inaayusan si Pablo, lumabas muna ako para maglibang at silipin ang tanawin. Ang ganda ng lugar na napili nila. Tanaw mula sa hotel ang mga bundok, at napakaaliwalas na langit. Ang bango pa ng simoy ng hangin.
Hawak ko ang tasa ng libreng kape - na may kasama pang tinapay para sa staff - habang pinagmamasdan ang tanawin. Inilapag ko muna ang kape para kuhanan ng litrato gamit ang phone ko. First time ko rin kasing pumunta dito kaya gusto kong may remembrance.
"Hi, Kuya Stell." bati ni Glee, sabay ngiti. Napangiti rin ako.
"Hello, baby Glee. Kamusta ka? Namiss kita!" masaya kong sabi sabay yakap sa kanya. Matagal-tagal na rin kasi mula nang huli kaming magkita.
"I miss you too!" sagot niya, sabay kalas sa yakap. "Akala ko nga hiwalay na kayo ni Kuya Pablo. Tagal kasi kitang hindi nakita." Medyo pabirong sabi niya, pero may bahid ng seryosong tono. "Oh, I'm just kidding, I know you like each other." pag-bawi niya, pero may kakaiba talaga sa tono ng boses niya. Kaya bigla akong kinilabutan, ewan ko ba kung bakit. Pero tumawa nalang din ako.
"Hehe, nag-leave lang ako sa trabaho kaya hindi ako nakakasama kay Pablo lately." sagot ko. Ayokong ikuwento kay Glee ang totoong dahilan ng leave ko - ayokong mag-alala siya. Because I know she cares about me, dahil naging malapit na rin kami.
"You know what? May interesting akong story na gusto kong i-share sayo, Kuya Stell. Sigurado akong magugustuhan mo!" sabi niya habang may nakakalokong ngiti sa mukha.
"Talaga? Sige, kwento mo!" sagot ko, excited.
Hinila niya ako papalayo mula sa ibang staff. Siguro confidential ang sasabihin niya kaya gusto niyang kaming dalawa lang ang mag-usap.
"Wait, saan kayo pupunta??!!" malamig at matigas ang tanong ni Pablo. Napalingon kami pareho. Nandoon siya, hingal na hingal, halatang nagmamadali.
"Oh, hi, ba - Kuya Pablo! Bakit ka nandito? Akala ko hindi ka pa tapos mag pa make-up?" tanong ni Glee, pero halata ang tensyon sa pagitan nila. Napakagat-labi siya, at tila pinipigilan ang pag ngisi niya.
"Saan kayo pupunta?" ulit ni Pablo, mas madiin ang tono. Napansin kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko, halos masakit na.
"Pablo, magkukwentuhan lang kami ni Glee. Catch up lang, since matagal kaming hindi nagkita." paliwanag ko nang malambing para mabawasan ang tensyon.
"Yes, Kuya Pablo," dagdag ni Glee, ngunit may halong pang-aasar ang ngiti niya. "I'll just tell him about that night..."
"Teka, anong 'that night'? Don't tell me -" biglang tanong ko, sabay tawa. "Baby ka pa, no! Sino yan? Artista? Singer? Kilala ko ba? Ipakilala mo sa akin, para makilatis ko!"
Nag-angat ng kilay si Glee, sabay tingin kay Pablo. "You know him so well." sagot niya na tila may laman. Hindi ko na ito binigyan ng malisya dahil na-excite ako sa kwento niya.
"Stell, mahal, hindi ko mahanap yung notebook ko na gagamitin ko mamaya. Alam mo namang hindi ako makakasulat ng kanta kapag wala iyon, di ba?" malambing na sabi ni Pablo, naka-nguso pa. Bigla kong naalala na isiniksik ko iyon sa hand carry bag ko.
"Wait lang, kukunin ko! Bye muna, Glee. Mamaya na tayo mag-catch up!" paalam ko sabay takbo pabalik sa room para hanapin ang notebook. Kahit gusto kong makipag-chismisan kay Glee, nasa trabaho pa rin ako at alam kong sobrang importante ang notebook na iyon kay Pablo.
--
Pablo's POV
"Ano bang problema mo?!" madiin kong sabi kay Glee, at hinila siya sa gilid.
"Awww! Pablo, nasasaktan ako!" reklamo niya, pero halata sa mukha niya ang pang-aasar.
"Don't you dare tell Stell anything stupid, or else!"
"Or else what?" Tumawa siya nang mapait. "Nakalimutan mo ba? I have pictures. Anytime, pwede kong ipakita kay Stell."
Napakuyom ang kamao ko. "Please, Glee, tama na to. Hindi ka ganyan dati -"
"Dati? Simula nang dumating si Stell, everything changed! Kaya huwag kang umasang babalik ako sa dati!"
"Ano bang gusto mo?!" matigas na sabi ko sa kanya, pigil ang galit.
"I want Stell to leave! To leave you, to leave us!" Sigaw niya, halos pumutok ang mga ugat sa leeg niya. Nag-aapoy ang mga mata niya sa galit. Buti nalang nandito kami sa gilid, at malayo sa lahat.
"Hindi ko magagawa yan, Glee. Si Stell na lang ang meron ako. Hindi ko siya kayang mawala."
Napangisi siya nang masama. "And I'm here! Hindi mo ba ako nakikita?"
Napabuntong-hininga ako. Bakit ba pinipilit pa rin niya ang sarili niya sa akin? Hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap na kapatid lang ang turing ko sa kanya.
"Nasa trabaho tayo. Be professional." malamig kong sabi, bago ko siya iniwan.
Kilala ko si Glee, hindi niya ipapakita ang picture kay Stell, at tinatakot lang niya ako. Dahil once na ipinakita niya at hindi naniwala si Stell sa kanya, tapos na ang lahat ng ilusyon niya. Pero syempre, hindi rin ako pwedeng maging kampante, kaya minamadali ko na ang lahat. Kumikilos na rin ang mga tao ni Clark, kaya kailangan matapos na ito, kasi kahit ako, pagod na.
--
Sa hallway, nakita ko si Stell na may kausap - si Felip. Napakunot-noo ako. Kanina si Glee, ngayon si Felip?! Dapat talaga hindi ko na pinayagang sumama si Stell.
"Mahal, nakita mo na?" malambing kong tanong paglapit. "Nandito ka na pala, Felip. Akala ko mamaya ka pa darating?" Nakangising tanong ko.
"Maagang natapos ang errands, kaya napaaga ako dito." sagot niya, nakangisi rin.
"I think hinahanap ka na sa loob para ayusan. Pwede mo na kaming iwan ng BOYFRIEND ko." madiin kong sabi, habang nakatingin nang matalim kay Felip.
"Pablo!" suway ni Stell, halatang naasiwa sa tono ko.
"Yeah, sige. Alis na ako. Stell, mamaya na lang ulit." sagot ni Felip bago umalis. Pero bago siya tumalikod, nakita kong ngumisi siya sa akin. Parang sinasadya niyang mang-inis.
Iniabot sa akin ni Stell ang notebook. "Mahal, please. Kaibigan ko si Felip. Bakit ganun ang tono mo kanina?"
"Hindi naman po," sagot ko, nagpapalusot. "Siguro na-badtrip lang ako kasi na-delay ang shooting dahil late siya."
"Hays, ikaw talaga. Tara na sa loob at magpa-retouch ka na." sabi niya habang pinupunasan ang pawis ko. Napatawa ako kahit alam kong bahagya siyang nainis. Kahit kailan, sobrang maalaga talaga si Stell.
Ipinikit ko ang mata ko habang nararamdaman ang pagmamahal niya. Sa kabila ng lahat, siya ang dahilan kung bakit handa akong lumaban - para sa amin.