Pablo's POV: Pag-uwi ko sa condo, sinalubong agad ako ng dagsa ng reporters.
"Sir Pablo, totoo po bang dawit kayo sa krimen ng boss niyo?" Sunod-sunod ang mga tanong, kasabay ng nakakabulag na pag-flash ng mga camera. Hindi ko makita ang daan, at pakiramdam ko, mas sumisikip ang paligid sa bawat segundo.
Hindi ako sumagot. Mas pinili kong manatiling tahimik. Mabuti na lang, may mga security na agad tumakbo papunta sa akin, hinawi nila ang mga reporters at tinulungan akong makapasok sa loob.
Pag-akyat ko pa lang, narinig ko na agad ang tunog ng telepono. Mabilis kong kinuha ito, umaasa na si Stell ang tumatawag. Hindi ko na binasa kung sino, basta sinagot ko agad, ayokong mag-aksaya ng kahit isang segundo.
"Ste—"
"Pablo, nasaan ka?!" Putol ang salita ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Kuya Yani sa kabilang linya. Napuno ng pag-aalala ang boses niya, at ramdam ko ang kaba sa bawat salita. "Napanuod mo ba yung nasa balita?"
Nadismaya ako. Akala ko si Stell, pero hindi pala. Parang may pumitik sa loob ng dibdib ko. Bumuntong-hininga na lang ako, bago sumagot sa tanong niya. "Nasa condo ako, kakarating ko lang. May mga humarang na reporters sa baba. Ano bang meron?"
"Watch the news! Diyan ka muna. Pupuntahan kita, okay?"
"Okay..." Walang gana kong sagot. Pinatay ko ang tawag at binuksan ang TV.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
--