PART 152 🎭

345 15 3
                                        

Nasa loob ng clinic si Pablo, kabado at hindi mapakali habang hinihintay ang doktor. Pagdating ng doktor, seryosong ngumiti ito sa kanya.

"Good evening, Pablo. Please, have a seat" sabi nito, sabay turo sa upuan sa harap ng mesa.

Umupo si Pablo, halatang hindi mapalagay. "Doc, kamusta si Stell? Is he going to be okay? Anong nangyari sa kanya?" tanong niya kaagad, hindi na maitago ang pag-aalala.

Huminga nang malalim ang doktor bago nagsalita. "I want to explain Stell's condition to you," umpisa niya. "He's been diagnosed with gastroenteritis, which has been causing a lot of his symptoms. Sa obserbasyon namin, mukhang matagal na niya itong nararamdaman."

Halos napasinghap si Pablo, kitang-kita ang pagkabigla sa kanyang mukha. "Ga-gastroenteritis?" tanong niya, nag-aalangan at halatang hindi makapaniwala. "I... I didn't even notice. Wala siyang nasabi na masama pala ang pakiramdam niya," dagdag niya, bago napabuntong-hininga, tila pinoproseso pa ang narinig. "Anong mga symptoms ang tinutukoy niyo, Doc?"

Nagpatuloy ang doktor, detalyadong ipinaliwanag ang kondisyon ni Stell. "Stell has been experiencing abdominal pain, nausea, bloating, at may mga episodes siya ng diarrhea at constipation. He has also lost his appetite, leading him to skip meals and vomit frequently. Dahil dito, he's become malnourished and has lost weight at an alarming rate."

Nanginginig ang boses ni Pablo habang nakikinig, kita ang guilt sa kanyang mukha. "I had no idea," mahina niyang sabi. "Akala ko pagod lang siya sa trabaho... dapat napansin ko agad."

Napansin ng doktor ang lungkot at guilt sa mukha ni Pablo. "Stell seems to be dealing with a lot of stress as well," patuloy ng doktor. "It's likely worsening his condition. Napansin ko na nagiging anxious siya, lalo na kapag may ibang tao sa paligid. Has there been any significant stress or incidents recently that might have triggered this?"

Saglit na nag-alinlangan si Pablo, bago tuluyang nagsalita. "Well... may nangyaring incident noon," sabi niya, nag-aatubiling magkwento, pero hindi ganon ka detalyado, para hindi malaman ng doktor kung ano ba talaga ang tunay nilang relasyon. "May lumabas na mga photos namin sa media, and it caused a lot of commotion. Akala ko kaya niyang dalhin iyon, but maybe I was wrong."

Tumango ang doktor, tila nauunawaan ang pinanggagalingan ng kwento ni Pablo. "That could explain it," sagot ng doktor. "While Stell didn't mention this specific incident, I could tell he was showing signs of anxiety. Nakita kong uncomfortable siya during consultations, lalo na kapag may ibang medical staff around. It's possible na naapektuhan siya dahil doon, kahit hindi niya ito nasasabi."

Napalunok si Pablo, halos hindi makatingin sa doktor. "I should've known," pag-amin niya. "Sa sobrang focus ko sa sarili kong trabaho at mga tours, hindi ko na napansin kung paano siya naapektuhan. Lagi siyang nakangiti at nakatawa, pero dapat nakita ko ang signs, sana naagapan pa."

Ngumiti nang bahagya ang doktor, malumanay na tumango. "It's understandable, Pablo, sometimes, those who are closest to us try to hide their pain because they don't want to be a burden. Ang importante ngayon ay maibigay mo sa kanya ang suporta na kailangan niya. He may need more than just physical treatment—therapy or counseling might help him address any trauma or anxiety he's experiencing."

Tumango si Pablo, at mabilis na pinupunasan ang mga luha sa gilid ng mata niya. "I'll do whatever it takes, Doc," sagot niya, boses na puno ng determinasyon. "I just want him to get better. Hindi ko gustong mag-suffer siya, especially not because of me."

Kitang-kita ng doktor kung gaano kahalaga si Stell kay Pablo. "I can see how much you care about him, for now, we need to focus on his physical recovery. We're giving him medication for the gastroenteritis and managing his symptoms. But for his mental well-being, it might be best for you to consult with a psychologist. Mas mabibigyan nila ng insights ang kanyang anxiety at trauma."

Tumango si Pablo, at matipid na ngumiti. "I'll make sure he gets the help he needs, Doc. please, just help me bring him back to his healthy self."

Ngumiti ang doktor at tumango nang marahan. "We will, Pablo, we're doing our best here. Just be patient, and give him the time and space to recover. Your presence and support will mean a lot to him."

Tumayo si Pablo at nagbigay ng pilit na ngiti sa doktor bilang pasasalamat. Pero kahit anong pilit niyang magmukhang kalmado, bakas pa rin sa mga mata niya ang lungkot at guilt. Bago siya lumabas ng clinic, sinuot niya ulit ang facemask at cap. Paglabas niya, saglit siyang tumigil at sumilip sa kwarto ni Stell. Nakita niyang natutulog pa rin ito, bakas ang pagod at panghihina sa muka nito. Hindi mapigilan ang pagtulo ng luha ni Pablo, dahan-dahan niyang isinara ang pinto bago siya naglakad patungo sa rooftop ng ospital.

Pagdating niya sa rooftop, tuluyan nang bumagsak ang lahat ng emosyon na kanina pa niya pinipigilan. Hindi na niya mapigilang humagulgol. Halos maubos ang boses niya sa sigaw, kasabay ng pag-iyak na parang bata.

"TANGINAAAAAAA!!!" sigaw niya, paluhod na humampas ang kamao niya sa sahig. "WALA AKONG KWENTA! BAKIT HINDI KO MAN LANG NAPANSING HINDI SIYA OKAY? TANGINAAAAA!" Paulit-ulit na mura ang lumabas sa bibig niya, tila ba sinusumbatan niya ang sarili sa hindi niya pagkakita sa kalagayan ni Stell.

Pakiramdam niya ay paulit-ulit siyang sinasaksak sa dibdib. Naalala niya ang mga pagkakataon kung saan sinabihan siya ni Felip na may napapansin itong kakaiba kay Stell. Pero dahil sa selos at pride, binalewala niya iyon at naniwala siyang okay lang si Stell, dahil hindi naman nagpapakita ng kahit anong signs ang nobyo na may nararamdaman na pala ito.

Nagsunod-sunod ang mga luha sa kanyang mga mata. Sinisisi niya ang sarili, iniisip kung paano pilit na ngumiti at magmukhang okay si Stell sa harap niya, habang tinatago ang tunay na paghihirap. Alam niyang sa kabila ng mga ngiti ni Stell, sobrang bigat na pala ng dinadala nito, at ngayon lang niya napagtanto kung gaano niya ito napabayaan.

Humihikbi siya, halos wala nang boses sa paulit-ulit na pagtawag sa pangalan ni Stell. "I'm so sorry, Stell... I'm so, so sorry..." Nanginginig ang kanyang katawan, hawak-hawak ang dibdib na tila ba nahihirapan siyang huminga dahil sa sakit at guilt. Alam niya sa sarili niya na wala siyang ibang gustong gawin ngayon kundi bumawi sa kasintahan niya, at alagaan ito hanggang sa tuluyan na itong gumaling.

TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon