PART 150 🎭

356 13 13
                                        

STELL'S POV
Kinabukasan, sakto naman na wala akong trabaho. I mean, ako lang, pero si Pablo ay busy pa rin sa ginagawa niya. Lumapit ako sa kanya para magpaalam dahil dadalawin ko si Kuya Josh sa ospital ngayon. Gusto pa sana niya akong ihatid, pero umiling ako. Masyado siyang abala ngayon, kaya hindi ko na nasabi ang totoong lagay ni Kuya Josh. Baka kasi mag-panic siya at sumama pa sa akin. Siguro next time na lang kapag tapos na lahat ng ginagawa niya.

Pumayag naman siya. Ang sabi ko lang ay dadalaw ako sa unit nila. Alam kong nagsinungaling ako, pero wala naman akong masamang gagawin. Saglit lang din ako, gusto ko lang talaga silipin si Kuya Josh.

Tinitigan ako ni Pablo bago ako umalis. Medyo kinabahan ako, baka mahalata niya ang pamumugto ng mata ko. Pero sinigurado kong hindi mamamaga ang mga mata ko dahil bago ako matulog, gumamit ako ng cooling eye mask mula sa ref.

"Mahal, tampo na ako, wala talagang goodbye kiss?" Nakangusong sabi pa nito.

Kaya pala ako tinititigan, naghihintay pala siya ng halik. Ngumiti ako bago siya hinalikan sa labi.

"Update mo ako ha, malapit na ako matapos dito. Mag iingat ka sa pag dri-drive, tumingin ka sa both sides, baka may gagong kaskasero—"

"Mahal, ginagawa naman akong bata. Ako driver mo diba, di ka paba bilib sa driving skills ko?!" Tinaasan ko pa ito ng kilay, kaya natawa ito.

"Hehe, I love you.." Malambing na sabi, bago yumakap sa nobyo "Enjoy kayo, next time sasama na talaga ako."

"I love you too, pero bitaw na Mahal, maabutan pa ako ng traffic sa daan, saka hinihintay ka na ng laptop mo." Natawa pa ito, bago ihatid si Stell hanggang sa pinto.

Isang oras din ang biyahe, medyo trapik kasi sa daan saka dumaan pa ako sa supermarket hehe. Pagdating ko sa ospital, agad kong inupdate si Pablo at umakyat na ako. Nang makita ko si Kuya Josh, agad ko siyang nginitian.

"Haloo, may dala ako!" Tinaas ang dalang basket "Go" Nilapag ang tinapay, "Grow" isang litrong gatas, "Glow" at iba't ibang klaseng prutas. "GO LANG NANG GO SA LABAN, PARA TULOY-TULOY ANG PAG-GROW. SA PROGRESS MO, AYAN—" Tinuro si Josh "KITANG-KITA NA ANG IYONG GLOW! Energetic na sabi, with hand gestures and body movements sabay kindat. Kaya natawa si Josh at Justin sa kalokohan nito.

"Buset! taas talaga ng energy mo!" Komento ni Josh, at humagalpak ng tawa.

"Naman, ako paba! Stell Ajero—Nase to no!" Proud na sabi, napangiti naman si Josh.

Hindi ko ipinakita na nalulungkot o nag-aalala ako. Gusto ko kasing makita niya na may tiwala ako sa kanya para hindi siya panghinaan ng loob.

Nang makita ko ang itsura ni Justin ngayon, naawa ako. Kaya sinabi ko na ako na muna ang magbabantay para makaidlip siya saglit. Alam kong kulang-kulang ang tulog niya. Matipid siyang ngumiti bago mag paalam sa nobyo, at halikan ito, at humiga na sa katabing kama nito.

Nakipagkuwentuhan ako kay Kuya Josh. Kinamusta niya ako, at sinabi ko namang okay lang ako. Tinanong pa niya ako tungkol kay Pablo, at ewan ko ba, parang sabik siyang makilala ang boyfriend ko. Natuwa tuloy ako, kaya masaya akong nagkuwento tungkol kay Pablo.

"Oo kuya Josh, super grumpy talaga! Lalo na noong hindi pa kami, juskoooo ate chona pro max, 1 terabyte fully paid! Kaloka!" Tawang tawa si Kuya Josh sa mga kwento ko, idagdag mo pa yung facial expressions ko, ginagaya ko kasi ang itsura ni Pablo, nuong unang kita namin.

"Pero ano, grabe yung character development hehe, kanina nga ayaw na akong bitawan, eh—saglit lang naman ako dito, kala mo mag LLDR agad kami."

"I'm Happy Stell.." Josh genuinely smiled.

"Kasi, may love life na ako??" Stell said, with puppy eyes, waiting for a compliment.

"Oo.. Dahil pinili mo si Pau—Pablo, dahil alam kong mamahalin mo siya, aalagaan at hindi iiwan, unlike us."

Hindi ko na narinig ang kasunod ng sinabi ni Kuya Josh, dahil nagising na si Justin, kaya nakipagkwentuhan na rin siya sa amin. Ilang minuto pa akong nagtagal bago tuluyang magpaalam. Plano ko kasing dumaan sa doktor para magpa check-up. Hinalikan ko sila sa pisngi at bumulong, "I miss you both!"

Paglabas ko ng pinto, magpapalista na sana ako para sa check-up, kaso biglang tumawag si Pablo. Hinahanap na niya ako. Kakatapos lang daw niya sa mga ginagawa niya, at naglalambing siyang gusto niyang kumain ng sinigang na luto ko.

"Okay lang, hindi naman na masakit. Next time na lang ako magpa-check up. Ngayon lang naglalambing si Pablo," bulong ko sa sarili bago tuluyang bumaba at sumakay ng sasakyan pauwi sa condo namin.

 Ngayon lang naglalambing si Pablo," bulong ko sa sarili bago tuluyang bumaba at sumakay ng sasakyan pauwi sa condo namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon