Justin's Condo..
Pagkabukas ni Justin sa pinto, sinenyasan niya agad akong huwag maingay. "Natutulog si Love." mahina niyang sabi habang bahagyang nilingon ang kwarto nila. Dahan-dahan akong pumasok, sinara ang pinto, at diretsong pumasok kami sa dating kwarto ko upang hindi makaistorbo.
Doon kami naupo sa kama, nagkukuwentuhan at nagrereminisce ng mga old memories. Dahil sa mga kalokohan namin noong highschool. Sandaling nakalimutan ko ang bigat ng pakiramdam ko.
"Hala, naalala mo yung time na nag-panic ka kasi akala mo na-late ka sa exam? Eh, wrong room ka lang pala!" Tumatawa si Justin habang iniiling ang ulo.
"Oo nga, nakakahiya kaya yun!" Natawa rin ako, pero saglit lang. Pero sa kabila ng tawa, may mabigat na bagay na hindi maalis sa isip ko.
"Movie tayo?" alok ni Justin matapos naming magpahinga. Tumango ako, gusto kong ibaling ang atensyon ko. Pero pag-on niya ng TV, tumambad agad ang headline sa balita, si Pablo at si Glee, magkasamang nakita sa isang restaurant kagabi.
Parang may malamig na hangin na bumalot sa akin. Nakita kong magka-table sila, parehong naka-ngiti, parehong parang sobrang komportable sa isa't isa. Napako ang tingin ko sa screen, hindi makapagsalita. Kagabi? Magkasama sila? Kaya ba hindi niya kinain ang sinigang ko dahil busog na siya sa date nila? Hindi ko alam kung tama bang tawagin kong date, ewan, pero ramdam ko yung kirot sa dibdib ko.
Napansin ako ni Justin. Agad niyang pinatay ang TV. "Sorry..." sabi niya nang mahina habang tinititigan ako.
Napalingon ako sa kanya at tipid na ngumiti. "It's okay.." mahina kong sagot. Pero kahit sinubukan kong ngumiti, hindi ko naitago ang lungkot sa mga mata ko.
"Stell..." Tumabi siya sa akin, kinuha ang kamay ko, at marahang hinaplos iyon, parang pinakakalma niya ako.
"Jaah..." Umiiling akong bumitaw ng isang malalim na buntong-hininga. "What if... hindi lang trabaho? What if... meron na talaga silang relasyon ni Pablo?" nanginginig na tanong ko, puno ng pangamba at takot.
Bahagyang napatigil si Justin. Napatingin siya sa akin, pero saglit din niyang iniwas ang kanyang tingin, parang may iniisip. "Stell, huwag kang mag-overthink, please. Isipin mo na lang, trabaho lang. Lalo na ngayon, mas tumataas ang expectations ng fans nila. Ikaw din naman, pumayag sa ganitong set-up, diba?"
"I know... Pero paano naman ang feelings ko?" Hindi ko napigilang maluha. "Selfish na kung selfish, pero masakit, Jaah. Dati, sinasabi niya lahat ng bagay sa akin. Ngayon, parang may pader na sa pagitan namin."
Napansin kong bumigat ang tingin ni Justin, parang may gusto siyang sabihin pero nag-aalangan. Pinilit niyang ngumiti, pero halatang pilit iyon. "Alam kong mahirap, Stell. Pero baka busy lang talaga si Pablo. Hindi naman ganito dati, diba? Baka he's just... adjusting. Alam mo naman in demand ang love team nila ngayon."
Tahimik akong tumango, pilit na nilulunok ang sakit. "Ano bang dapat kong gawin?"
"Hayaan mo muna," sagot niya pagkatapos ng mahabang buntong-hininga. "At isipin mo na lang, parte lang talaga ng trabaho yan. Alam kong mabait si Glee, diba sabi mo rin yan noon? Tiwala lang kay Pablo, Stell. Kumakayod boyfriend mo para sa future niyong dalawa."
Pilit siyang ngumiti, napansin ko ang pag-iwas niya ng tingin. Para bang may sinasabi ang mga mata niya na hindi kayang bigkasin ng bibig niya. Heto nanaman ako nag ooverthink, baka ayaw niya lang talaga na masaktan ako, sa mga naiisip ko.
--
Habang nagmamaneho pauwi, hindi ko maiwasang mag-overthink. Pilit kong iniisip na baka nasa condo na si Pablo, naghihintay, handang magpaliwanag tungkol sa balita.
BINABASA MO ANG
TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]
FanfictionIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?
![TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]](https://img.wattpad.com/cover/347018809-64-k850896.jpg)