PART 128 🎭

512 18 5
                                        

PABLO'S POV

Buti nalang hindi traffic kaya mabilis din akong naka uwi. Pumasok muna ako sa condo unit ko para maligo, at para ikalma nadin ang sarili ko sa lahat nang nangyari. Minessage ko nadin si Mavz na huwag mag alala at okay na ang lahat.

Pagkatapos ko maligo at mag palit, nag madali nadin akong papunta sa unit ni Stell. Nagulat naman ako dahil bukas pa ang TV, pag silip ko nakatulog na pala ito sa sofa. Pinatay ko muna ang TV para sana bumatin si Stell papunta sa kama, kaso nagising ito.

"Blue, anong oras na po?"

"Hmm, oras na para matulog katabi ka." Nabigla naman ito nang buhatin ko.

"Baba mo na ako blue kaya ko naman mag lakad po."

"Ayaw ko nga, gusto kitang pag silbihan araw araw mahal ko" Hindi naman maitago ang pag ngiti ni Stell sa narinig, kaya kumapit nalang ito sa nobyo.

When Pablo gently placed Stell down on the bed, he slipped in beside himm, the exhaustion evident in his every movement. Stell, sensing his boyfriend's weariness, wrapped his arms around him in a comforting embrace.

"Power hug para sa hardworking hubby ko."

"Mahal, I'm sorry." Pablo said.

Stell slowly released his embrace, to look at hiis boyfriend. His eyes narrowed, and a judgmental expression clouded his face.

"Bakit ka nag sosorry, Pablo Nase don't tell me hindi ka galing sa trabaho? Siguro nang babae ka kasama ng mga barkada mo?"

"Baliw, magagawa ko ba iyon sa wifey ko." Malambing na sagot nito.

"Nako dapat lang, sinasabi ko talaga sayo Pablo!" Matigas at nag babantang sabi.

"Hehe, mahal naman huwag mo nga akong tawagin sa pangalan ko, nakakatakot."

"Okay po Pablo Nase." Natatawang sabi nito.

"Mahal naman eh."

"Haha, cute mo talaga asarin mahal, pero bakit ka nga po nag sosorry?"

"Hmm.. Wala lang, bigla ko lang nalala yung trato ko sayo dati." Natahimik naman si Stell bigla sa narinig, hindi niya kasi inaasahan na sasabihin iyon ni Pablo, dahil para sa kanya kinalimutan niya na ang nakaraan at mas importante sa kanya ang kasalukuyan pati nadin ang future nilang dalawa.

"Ah, yung dating Pablo na scary? Oo nga dapat nga mag sorry ka sakin." Sarkastikong sabi nito.

"Nag bago naman na ako diba?" Naka ngusong tanong.

Hindi naman mapigilang ma cute-an ni Stell sa kanyang boyfriend.

"Oo naman, sa totoo lang sobrang laki talaga ng pinag bago mo Mahal."

"Pero nag tanim kaba sakin ng galit?" Nag aalalang tanong nito. Hindi niya kasi mapigilang mag overthink, nakita niya kasi kung anong naging epekto ng masamang ugali nito sa ibang tao, paano pa kaya sa taong mahal niya.

"Hmm.. Siguro dati Oo, pero ngayon wala na eh. Saka nakikita at nararamdaman ko naman mga effort at pag mamahal mo sakin. Kaya hindi mo na kailangang mag sorry at makonsensya Mahal." Ngumiti pa ito para masigurado kay Pablo na wala talaga siyang sama ng loob.

"Thank you mahal, thank you talaga kasi hindi ka bumitaw at sumuko sakin." Nilapitan si Stell, at siniksik ang braso nito para maihiga ang ulo.

"Sempre ako pa ba susuko sayo, tinamaan na ako eh. Pogi mo kasi hmp!" Sabi bago yumakap sa nobyo.

"Pero mas nauna kaya akong tinamaan sayo." Yumakap din ito.

"Haha, I know I know, sino ba naman hindi tatamaan kay Stell Ajero, perfect human being." Natatawang sabi.

"Oo nga eh, nakakainis dami kong kaagaw sayo, kung pwede ka lang kainin ng buo tapos mag stay ka nalang sa loob ng tiyan ko, para wala ng mag tangkang agawin ka sa akin." Mas hinigpitan ang pag kakayakap, hindi naman mapigilang matawa ni Stell sa narinig.

"Baliw ang weird pakinggan buset ka, tulog na tayo pagod ka talaga suguro."

"Hehe love mo naman ako kahit weird ako, diba?"

"Oo na sige na inaantok na ako huhu, love na love kita kaya I love you blue."

"Hehe I love you too Teal."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon