PART 102 🎭

450 16 1
                                        

Stell's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Stell's POV

Nandito na kami sa indonesia, buti nalang okay na passport ko kaya naka sama ako. Invited kasi si Pablo para kumanta at mag represent ng Pilipinas. Sa totoo lang excited nadin ako sa araw na ito dahil nabalitaan ko din na kasama si Junjun sa event na ito, matagal nadin kasi kami huling nagkita. Saka sempre gusto ko din na maging magkasundo si Pablo at Felip.

Nakaka lungkot lang hindi kami pwedeng sumilip sa back stage, masaydo na daw kasing crowded kaya isa lang pwede sumama kaya si kuya yani nalang ang kasama ni Pablo.

Habang nag hihintay, tumambay muna ako dito sa parang waiting area malapit sa back stage, konti lang kasi ang mga tao dito at gusto ko ding magpahangin since napagod talaga ako sa byahe kasi naman pagka landing pahinga lang kaunti, tapos sabak na ulit sa trabaho. Bilib nga ako kay Pablo kasi naman parang hindi ito nakakaramdam ng pagod.

Kahit wala ako sa loob ng stage, natutuwa ako ng marinig nang kumanta si Pablo. Mas lalo akong natuwa kasi kahit wala kami sa Pilipinas madami pading tao ang pumapalakpak at humihiyaw sa kanya.

Sayang lang wala ako sa loob, baka kasi kapag nanduon ako isa din ako sa tumitili ng dahil sa boyfriend ko.

"Ay! Anak ng tinapa!" Gulat kong sigaw ng bigla nalang may kumalabit sa tabi ko. Narinig ko naman ang mababang boses na tawa nito kaya napa tingin tuloy ako.

"Junjun!" Masayang sigaw ko ng mapansing si Junjun nga ang nasa tabi ko.

"Stell, Felip pangalan ko remember."

"Haha! Okay Hello felip, kamusta kana?"

"Ito, ayos lang pogi padin. Ikaw kamusta kana? Ngayon nalang tayo nag kita ah. Hindi ka na kasi nag paparamdam." Pag tatampong sabi nito.

"Ayos lang naman ako, sorry medyo nabusy lang, kaya hindi na ako nakakapag chat sayo."

"Alam ko namang busy ka, kaso nakaka tampo na eh. Parang wala tayong pinag samahan."

"Sorry na, promise babawi ako."

"Sus! babawi, porke may boyfriend ka na kinakalimutan mo na talaga ako."

"Para ka namang tanga, promise talaga babawi ako." Itinaas ko pa ang hinliliit ko para makipag pinky promise dito.

Pablo's POV

"Si stell iyon diba?" Itinuro pa ito ni Kuya yani.

Medyo nag dilim naman ang paningin ko sa nakita ko, magkasama kasi si Felip at Stell ngayon habang nag tatawanan. Alam ko namang magkababata sila pero iba pakiramdam ko kay Felip, alam kong may ibang motibo ito kay Stell. At hindi ako kampante duon.

Pinauna ko na si Kuya yani sa dressing room, kunwaring tatawagin ko lang si Stell at babati kay Felip. Pumayag naman ito at na una na.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon