Stell's POV
Nabalitaan ko kay Junjun na nasa Manila na sila. Tapos na raw ang shooting. Si Junjun na ang naging mata ko habang malayo si Pablo sa akin. Alam ko, ang selfish ko sa part na iyon, dahil ginamit ko siya. Pero wala akong choice, gusto ko lang naman mapanatag.
Kung naka-uwi na sila... bakit wala man lang update si Pablo? Sinubukan kong mag-isip ng dahilan, baka nakalimutan lang niya, o kaya lowbat ang phone. Pero kahit ano pa ang sabihin ko sa sarili ko, hindi ko mapigilan kutuban, parang may mali nanaman. Hays~ ito nanaman si self, nag ooverthink nanaman.
Hindi na rin ako nakapag-luto. Mamaya na lang, tatanungin ko si Pablo kung ano ang gusto niyang kainin tapos mag-oorder na lang kami. Masama kasi ang pakiramdam ko, nasusuka kasi ako sa kahit anong amoy ng niluluto ko. Kaya nga lugaw na lang lagi ang kinakain ko. Pero sempre hindi ko pwedeng ipahalata kay Pablo na bumabalik na naman ang mga sintomas ng sakit ko. Baka mag alala nanaman..
Humiga muna ako sa kama pagkatapos kumain. Nakaramdam na naman ako ng antok. Matutulog lang sana ako nang saglit. Pero bigla akong nagising. Pagtingin ko sa bintana, gabi na pala. Alas-diyes na! Napatayo ako agad. Baka kasi nasa labas si Pablo at nagluluto. Pero paglabas ko ng kwarto... wala si Pablo.
Late na naman siyang umuwi. Pero sabi ni Junjun, kaninang hapon pa sila nakalapag sa Manila.
Para maibaling ang atensyon ko, nanood na lang ako ng movie habang hinihintay siya. Masama ang pakiramdam ko, pero pinilit kong mag-focus sa screen. Hanggang sa narinig ko ang pag-unlock ng pinto. Bumukas ito, at pumasok si Pablo.
"Mahal..." mahina kong bati, halos basag ang boses ko. Bigla siyang natigilan sa paglalakad at tumingin sa akin.
"Bakit gising ka pa?" tanong niya, tipid at malamig.
Ngumiti ako, pilit. Pero sa simpleng tanong na iyon, parang sinaksak ako. Dapat ba tulog na ako? Ayaw niya bang makita ako?
"Kakagising ko lang." sagot ko, sinusubukang itago ang sakit. Tumango lang siya, saka tinanggal ang sapatos at ibinaba ang mga dala niyang gamit.
Lumapit ako para yakapin siya, para sana maramdaman ko ang init niya. Pero ang una kong naamoy ay ang matapang na amoy ng alak. Biglang umikot ang sikmura ko. Napatakbo ako sa lababo at nagsuka. Agad siyang lumapit sa akin, hinimas ang likod ko.
"Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong niya.
Kinabahan ako. Ayokong malaman niya. Hindi pwede.
"Uminom ka?" balik ko, sinusubukang ibahin ang usapan.
"Yes, sorry... nagka-problema. Kailangan ko lang magpalamig ng ulo." sagot niya, walang emosyon.
"Kasama si Glee?" mahina kong tanong habang pinupunasan ang bibig ko.
"No," mabilis niyang sagot. "Sige na, humiga ka na, at magpahinga. Maliligo na ako, mahal."
Napalunok ako, napapikit, at napakagat sa labi. Bakit parang inilalayo niya ang usapan? Ayaw ba niyang sabihin sa akin ang totoo?
Hindi na ako nagtanong pa. Iba na talaga ang pakiramdam ko. Baka kung ano pa ang masabi ko na makakasakit kay Pablo.
Pinili kong itulog na lang ang lahat ng sakit, selos, at mga tanong na bumabagabag sa isip ko. Pero habang nakahiga, ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko.
--
Wala si Pablo—nasa trabaho siya. Balak kong pumunta sa shelter ngayon dahil may mini-event si Sister. Nagpaalam naman ako sa kanya, at pumayag siya.
Habang nasa parking lot, napansin kong may dalawang lalaki na parang sumusunod sa akin. Pero pinilit kong huwag mag-alala. Baka coincidence lang. Pero habang nagda-drive ako, ramdam ko ang presensya nila, ang sasakyan nila mabagal na nakasunod sa akin. Halata..
"Stell, huwag kang O.A. Baka pareho lang kayo ng direksyon." pilit kong kumbinsi sa sarili ko.
Pagdating ko sa shelter, naglibot muna ako ng tingin. Wala na sila. Tama nga ako, paranoid lang ako.
Masaya akong sinalubong ni Sister at ng mga bata. Nagulat ako nang dumating din si Junjun, kumaway ito sa akin, bago ibigay sa mga bata ang dalang mga regalo para sa kanila. Naging masaya ang buong araw ko, kahit papaano nawala lahat ng mga iniisip ko.
Nang magpaalam na kami, sabay kaming lumabas ni Junjun. Bago kami pumasok sa kanya-kanyang sasakyan, nakapag-usap pa kami.
"Tey..." tawag niya, nilingon ko siya. "Bakit parang ang payat mo na? May problema ba kayo ni Pablo?" tanong niya, puno ng pag-aalala.
Napayuko ako at napakagat labi. "Wala... stress lang sa pagre-review.." mahina kong sagot habang umiwas ng tingin.
"Tey..." Bumuntong-hininga siya bago lumapit. "Di ba sabi ko sayo, nandito lang ako?" Inilahad niya ang braso niya para yakapin ako. Dahil na rin siguro sa lahat ng nangyari lately, tinanggap ko ang yakap na iyon.
"Kung hindi mo pa kayang mag-open up sa akin, okay lang. Basta tandaan mo, nandito lang ako para sayo." Sa simpleng salitang iyon, at sa mainit na yakap ni Junjun, gumaan kahit papaano ang bigat sa dibdib ko. Buti na lang nandito siya. Ayoko na kasing dagdagan pa ang mga iniisip ni Justin kay Kuya Josh, kaya hindi ko na kinukwento ang mga problema ko sa kanya.
Hinayaan lang ako ni Junjun na yumakap sa kanya. Ilang minuto rin kaming nanatili sa ganoong posisyon bago ako bumitaw. Pinunasan ko ang mga luha ko.
"Uwi na ako, Jun. Thank you. Bawi ako sayo." Nakangiting sabi ko. Inalalayan niya akong pumasok sa sasakyan bago tuluyang magpaalam.
--
Habang pauwi, napansin ko ulit ang sasakyang kanina pang sumusunod sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nagmadali akong mag-drive hanggang sa nakarating ako sa parking area ng condo.
Mabilis akong bumaba at naglakad papunta sa elevator. Nanginginig ang daliri ko nang pindutin ang button para sumara ito. Pero bago pa man magsara ang pinto, biglang may pumasok.
"Ackkk!" gulat kong sabi.
"Sorry po, nagulat po ba kayo? Nagmamadali kasi ako para makaabot sa elevator.." sabi ng dalagang babae, mahinahon ang boses.
Ngumiti ako at umiling. Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko... sila na. Kinabahan tuloy ako.
BINABASA MO ANG
TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]
FanfictionIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?
![TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]](https://img.wattpad.com/cover/347018809-64-k850896.jpg)