Stell's POV
Maayos naman ang flow ng shooting nila. Kapag outdoor ang location, hindi na kami sumasama dahil limitado ang naupahang sasakyan. Naiiwan ako dito sa hotel, at sa totoo lang, mas okay na rin siguro iyon. Medyo okay na ako, pero hindi pa rin ako ganap na nakaka-recover. Ilang pa rin talaga ako tuwing nakakakita ng maraming camera, kahit halos kilala ko na ang lahat ng staff.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng hotel room. Tumayo agad ako, sigurado akong tapos na sila at kailangan na ako ni Pablo.
"Kuya Yani, tapos na po kayo?" tanong ko nang makapasok siya. Tumango siya at ngumiti nang bahagya.
"Hi, Mahal!" bati ni Pablo, naka-ngiti nang matamis habang sumusunod sa likod ni Kuya Yani. Ibinaba niya ang bag sa sahig at sinara ang pinto, pagkatapos ay naglakad palapit sa akin.
"Bakit ka nandito?" tanong ko, sabay taas ng kilay, pero may halong ngiti sa labi ko.
"Hayaan mo na, Stell," sagot ni Kuya Yani habang nagpupunas ng pawis. "Sira kasi ang heater sa room niya, kaya dito muna siya maliligo."
"Ah, okay po." sagot ko, tumango at ngumiti ng bahagya.
"Sige na, mag-landian muna kayo diyan. Mauuna na akong maligo," sabi ni Kuya Yani, pabirong tumuro sa amin ni Pablo. "Pero mamaya, sa labas, i-limit ang pagtabi, ha? Baka ma-issue na naman kayo."
"Oo na, sige na, tagalan mo maligo, ah!" sagot ni Pablo, sabay kindat kay Kuya Yani.
"Pablo! Don't dare..." Hindi na natapos ni Kuya Yani ang sasabihin niya dahil namula agad ang mukha niya. Nagmamadali siyang pumasok sa banyo, at narinig namin ang lock ng pinto.
Napatingin ako kay Pablo, at nakita ko ang pilyo niyang ngiti.
"Gago!" sigaw ko, sabay hampas ng unan sa kanya. Tumawa siya nang malakas, malalim at punong-puno ng kasiyahan.
"Mahal, parang tanga. Ganun na ba ako kalibog para sayo? Nandito si Kuya Yani, no."
"Oo, malibog ka!" sagot ko, pero hindi ko mapigilang matawa.
"Hindi naman." sagot niya, sabay abot sa kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Naupo ako sa pagitan ng mga binti niya, at ipinalibot niya ang mga braso niya sa bewang ko.
"Sorry na agad kung maamoy mong amoy pawis ako. Sabay na lang ulit tayo maligo mamaya." biro niya, nakangiti nang may halong pilyo.
"Utot! For sure, tsansing na naman yan. Okay na ako, mamayang gabi na lang ako maliligo bago matulog."
"Ano ba yan, alam mo agad mga plano ko." sagot niya, tumatawa nang mahina habang kinikilig.
--
Para sa last day ng shooting ng pilot episode para sa Season 2, napagdesisyunan nilang gawin ito sa gitna ng gubat. Naghanap sila ng lokasyon na malapit lang sa hotel at ligtas para sa lahat. Nagtayo sila ng tent, naglabas ng tatlong camping chair, at nagsindi ng bonfire. Sinet-up na rin ang mga ilaw at equipment dahil gabi gagawin ang shooting.
Bagay daw ang tunog ng kagubatan sa kanta nila, kaya dito nila napiling mag-shoot. Dahil malapit lang, pinayagan kaming sumama, basta't sinigurado naming hindi kami mag-iingay para hindi makaistorbo sa kanila.
Dumating na ang lahat sa location. Nakaupo na silang tatlo, at tinitingnan na lang ng mga staff ang mga connection ng mics at instruments para siguradong malinaw.
Nasa likod kami ng mga camera at malalaking ilaw na nakatutok sa kanila. Smooth ang pagsisimula nila, at nag-usap usap pa sila tungkol sa experiences nila sa paglilibot. Tumayo si Pablo para kunin ang gitara sa loob ng tent at inabot kay Glee ang ukelele.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang halikan ni Glee si Pablo sa pisngi. Halatang natuwa ang director sa harap ko. Bakas naman sa mukha ni Pablo ang pagkailang, pero pinilit niyang bumalik sa pagngiti.
Normal lang siguro itong bilis ng kabog ng dibdib ko, di ba? Alam kong sweet sila in front of the camera, pero iba pala talaga ang pakiramdam kapag kiniss ng iba ang boyfriend mo. Kalma, Stell. Parte ng trabaho nila yan.
Nagpatuloy ang kanta. Maganda ang lyrics. Kahit ako, naramdaman ko ang mensahe ng bawat linya. Sigurado akong magugustuhan ito ng viewers.
--
Handa na silang mag-pack up, kaya lumapit na ako kay Pablo para asikasuhin siya bilang personal assistant niya. Pero bago pa ako makalapit, narinig ko ang malakas na sigaw ng isang staff.
"Tabi! Tumabi kayo!"
Paglingon ko, nakita ko ang malaking light equipment na bumagsak mula sa mataas na scaffold. Tila tumigil ang lahat ng nasa paligid ko. Pakiramdam ko napako ako sa kinatatayuan ko, hindi makagalaw, habang dahan-dahang bumabagsak ang ilaw diretso sa direksyon ko.
BINABASA MO ANG
TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]
FanfictionIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?
![TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]](https://img.wattpad.com/cover/347018809-64-k850896.jpg)