Ilang araw na akong naka kulong sa unit, wala akong gana kumilos. Buong araw lang ako naka higa sa kama.
Hindi ko nadin matandaan kung kelan ako huling beses na kumain, buti nga hindi ko pa nasusuka yung alak na ininom namin ni junjun, kaya may laman padin tiyan ko, kaso sinisikmura na talaga ako.
Medyo okay naman na pakiramdam ko, binawi ko lahat sa tulog. Wala din akong distractions since pinatay ko ang phone ko.
Ayokong magpa apekto, ayoko..
Nakaramdam na ako ng matinding gutom, sumasakit na din kasi tiyan ko.
Hindi tama to, pati ba naman sarili ko sasaktan ko?
Tatayo na sana ako para kumain, pero mukang ibang dahilan ang pag tayo ko, kanina pa kasi may nag dodoorbell sa pinto, hindi lang doorbell eh, kumakatok pa ng malakas, parang anytime magigiba pintuan ko.
Sino kayang istorbo to!
Baka si Justin lang, kaso sabi ko naman sa kanya na ayoko ng istorbo.
Tumayo na ako sa kama at nag bihis muna, nakahubad kasi ako matulog.
Pag kabukas ko ng pinto nagulat ako sa nakita ko.
Namamalik mata ba ako?
Ito ba ang epekto ng walang kain ng ilang araw?
Oh baka naman nanaginip pa ako.
"Stell!" Natauhan ako sa malakas na pag tawag niya ng pangalan ko, kasabay pa ang biglaan niyang pagyakap sakin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"S..ir Pablo?" Nauutal kong sabi.
"I'm Sorry, ako dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon."
Naramdaman ko yung init ng yakap niya, naramdaman ko kung gaano siya ka sincere sa pag sosorry niya.
Hindi ko napigilan maiyak..
Siguro kasi pagod katawan ko?
Siguro kasi wala pa akong kain?
Oh baka naman, ito lang talaga ang gusto ko, marinig ang boses niya at maramdaman ang init ng yakap niya.
"Sorry, na late ako. Pero nag pa book agad ako ng early flight para maka uwi.