PART 131 🎭

343 14 1
                                        

PABLO'S POV

Habang nagbibihis, napansin ko si Stell kanina pa nakangiti habang busy sa phone nito, mukang ka chat niya mga kaibigan niya.

"Mukang nag enjoy nga ang Teal ko ah, hindi ko alam kung mag seselos na ba ako sa mga kaibigan mo, kanina ka pa kasi naka ngiti jan." Kunwari'y nagtatampo ako.

"Gusko naman blue, masaya lang po ako kasi ngayon nalang ulit kami nag sama sama. Teka kamusta pala event kanina? Baka naman nag attitude ka nanaman habang wala ako?" Tinaasan pa ako ng kilay.

"Hindi ah, behave kaya ako." Proud na sagot ko, bago maupo sa tabi nito.

"Naks naman, dapat lang mag behave ka mamaya mag reklamo nanaman si Kuya Yani niyan." Sabi nito, bago ibaba ang telepono sa side table.

"Walang dahilan para mag reklamo si Kuya yani, promise po behave ako, kaya deserve ko ng reward." Malambing kong sabi sabay halik sa balikat nito.

"Alam ko na yang reward na gusto mo, pero mahal tulog na tayo maaga pa tayo bukas."

Napanguso naman ako sa sagot ni Stell.

"Aysus, nag tampo nanaman ang bebe na yan, hindi ba pwedeng utang muna? Pwedeng kiss muna yung reward mo mahal ko?" Malambing na sabi nito.

Sempre di na ako nag reklamo, rupok ko kaya pag dating sa taong to.

"Sige na nga, alam ko namang mabibitin lang ako kapag may hinahabol tayong call time, pero promise mo yan ah, mag babayad ka ng utang kapag dayoff nating dalawa." Nakangisi kong sabi.

"Opo promise bayad utang with interest pa." Nakangisi din nitong sagot sakin.

Natawa naman ako sa sagot niya, kung pwede lang sunggaban si Stell ngayon hays~ need muna ikalma si manoy, alam ko din namang pagod siya sa buong araw.

Pagka halik sakin ni Stell, humiga nadin kami at sumiksik na ito sa dibdib ko para yumakap sa akin, ready na para matulog ang mahal ko.

Kumalas ako saglit sa pagkakayakap para patayin ang ilaw sa side table, pero biglang nag notify ang phone ko, hindi ko pala ito na silent.

"Sino nanaman kayang istorbo to." Reklamo ko.

"Check mo na baka emergency"

Chineck ko ang phone nakita kong nag message sakin si Glee.

"Si kuya yani ba?" Tanong sakin ni Stell, umiling lang ako.

"Si Glee, nag papasend ulit ng sample track para sa new song niya."

Pagka silent ko sa phone, ibababa ko na sana ito.

"Send mo na, baka need niya."

"Bukas nalang, sleep na tayo."

"Send mo na Mahal, baka need niya mag practice wala ata siyang work bukas."

Masyado kasing mabait tong boyfriend ko kaya, napa buntong hininga nalang ako bago tumayo para i open ang laptop ko.

Nang malaman ko na walang kinalaman si Glee sa nangyari kay Stell, unti unti ng bumalik ang dating trato ko sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang malaman ko na walang kinalaman si Glee sa nangyari kay Stell, unti unti ng bumalik ang dating trato ko sa kanya. Lagi din kasi akong sinasabihan ni Stell na maging mabait sa kanya, kaya sinusubukan ko talagang iayos ang lahat, pero sempre hindi naman ganun kadali iyon, galit padin talaga ako pero sabi nga ni Stell walang kinalaman si Glee at nadawit lang din siya para pag takpan ang relasyon naming dalawa. Tama nga naman siya, siguro masyado lang naging matigas ang puso ko dahil sa daddy niya. Pero I'm trying my best, kaya nga medyo nagiging close na ulit kami, pero sempre meron pading boundaries, ayokong maging kampante sa lahat.

Nang masend ko na ang file sa kanya, nahiga nadin ako sa tabi ni Stell.

"Nasend mo na po?" Tanong nito bago ulit sumiksik sa dibdib ko.

"Hmmm.."

"Goodnight Mahal."

"Goodnight din Mahal."

TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon