PABLO'S POV Natapos din ang mall tour, at successful naman. Top-selling pa rin ang mga album ko, at laging nasa trending songs ang releases ko. Ilang buwan din iyon, halos sunod-sunod ang mga schedules. Kahit nakakapagod, lagi kong pinipilit na makauwi agad sa condo pagkatapos ng event. Ayoko kasing maiwang mag-isa si Stell.
Simula noong nagkasakit siya at naospital, natrauma na rin ako. Kahit nangako siya na hindi na siya maglilihim sa akin, hindi ko maiwasang kabahan sa mga posibleng mangyari habang wala ako. Hindi ko rin siya pinipilit bumalik agad sa trabaho. Hindi pa rin kasi tapos ang therapy niya, at ayoko siyang biglain. Baka sa halip na gumaling, mas lumala pa.
Kahit busy ako, hindi ko hinahayaan na hindi siya makaramdam ng presensya ko. Oras-oras akong tumatawag o nagmemessage. Gusto kong iparamdam na kahit hindi kami magkasama, nandito pa rin ako para sa kanya.
Pagkatapos ng huling leg ng tour, pauwi na kami ng Maynila. Sa totoo lang, ito na siguro ang pinakamahabang panahon na nagkahiwalay kami. Itong huling leg na kasi ang pinakamalayo-sa Visayas. Hindi pwedeng umuwi agad pagkatapos ng mall shows. Pero kahit ganon, tuloy pa rin ang facetime namin. Lagi akong updated sa bawat galaw niya, pati na rin sa mga kinakain niya, at sa gamot na iniinom niya.
Sinabi ko pa nga sa kanya kung gusto muna niyang mag-stay sa bahay ni Justin habang wala ako, pero tumanggi siya. Sabi niya, busy rin daw si Justin, kaya mas okay na raw na mag-isa siya sa condo. Naiintindihan ko naman, pero syempre, hindi pa rin maalis ang pag-aalala ko. Wala rin akong mapag-iwanan sa kanya. Kasama ko kasi sina Kuya Yani at Xii sa tour-si Xii na ngayon ang pumalit bilang P.A ko. Alangan naman kay Mavz o kay Khenemy ko siya ipaubaya. Wala akong tiwala! Hindi pa naman sila close, kaya hindi rin practical, baka mailang lang si Stell sa kanila.
Kaya ang ginawa ko, tinapos ko agad lahat ng commitments. Yung ibang schedules nga, pina-move ko na in advance para makauwi agad. Buti na lang, hindi nagreklamo ang wolves. Suporta pa rin sila sa mga changes, kaya mabilis akong nakabalik. Sa totoo lang, kahit anong hirap ng trabaho, si Stell pa rin ang priority ko. Gusto kong siguraduhin na maayos siya habang nagri-recover.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ginising ako ni Kuya Yani, nasa Manila na raw kami. Bumaba na kami ng eroplano, at may ilang fans na naghihintay sa labas. Hindi ko alam kung paano nila nalaman na pauwi na kami, lalo na't biglaan lang talaga ito. Nagmamadali kasi akong makabalik para makasama agad si Stell. Ngumiti na lang ako at kumaway bago dumiretso sa parking area.