PART 172 🎭

501 13 6
                                        

Stell's POV

"Mahal, bakit parang iba lagi ang tingin mo sa akin? Tapos yang mga ngiti mo... Hindi ko alam kung kikiligin ba ako dahil in love na in love ka sa akin, o matatakot kasi baka may nagawa akong kasalanan?" tanong ni Pablo, halatang nag-aalala habang pilit iniiwas ang tingin pero kita sa mukha ang halong curiosity at kaba.

Ilang araw ko na siyang tinititigan, feeling ko nga pinaglilihian ko siya. Ang hirap naman kasi pigilan, ang pogi ng boyfriend ko! Kaya lalo akong nasasabik sabihin sa kanya ang good news. Pero kalma lang, Stell. Konting araw na lang. Konti na lang talaga.

"Wala," sabi ko habang pinipigilan ang kilig, kasabay ng halik sa pisngi niya. "I love you!" dagdag ko.

"I love you too!" sagot niya, kasabay ng paghalik sa labi ko, tapos sa noo. Ang sweet talaga.

"Oo nga pala, mahal," dagdag niya, "may event ang Wolf Productions sa Sunday. Gusto mo bang sumama sa akin?"

Bigla akong napangiti, at halos di ko na maitago ang excitement ko. Sunday... iyon na ang araw. Sasabihin ko na sa kanya na magiging daddy na siya! Pero syempre, kailangan kong magtimpi. Relax, Stell. Breathe.

Bago pa ako makasagot, biglang nag-ring ang phone ko. Si Justin. Baka emergency.

"Mahal, sagutin ko lang si Justin, baka importante." paalam ko.

Tumango siya at ngumiti. "Go ahead."

"Hello?"

"Steeeeelllllll!!!!!!! Doctor na ako!!!" masayang sigaw ni Justin sa kabilang linya, halatang halos mabaliw sa tuwa.

"What?!" sagot ko, halos mabingi sa saya niya. Pagkatapos ay nag-notify ang phone ko, pinadalhan niya ako ng screenshot ng resulta. Nakapasa nga siya sa board exam! Hindi ko napigilan ang sarili ko, napatalon ako sa sobrang tuwa.

Nagulat si Pablo at napatingin sa akin. Nang bumalik ang ulirat ko, agad kong binulong sa kanya ang achievement ni Justin. Napangiti rin siya, kita ang genuine na kasiyahan para sa kaibigan ko.

"Omg! My doctor na akong kaibigan! Congrats, Justin! I'm so proud of you!" sabi ko, halos maiyak na rin sa tuwa.

"Huhu, Stell, I'm so happy! Lahat ng hirap ko, nasuklian!" Mangiyak-ngiyak ang boses niya, at naramdaman ko rin ang emosyon sa mga salita niya. Saksi ako sa lahat ng pinagdaanan niya.

"Deserve mo 'yan! I know how hardworking you are. Good job, Doc. De dios!" proud kong sabi, ang ngiti ko abot hanggang tenga.

"Huhu, yes! Thank you! Ikaw na next, Stell!"

"Yes, malapit na. Kalma ka lang. Oras mo ngayon, kaya sayo ang spotlight! I'm so happy, ang galing talaga ng bestfriend ko!"

"Small thing! Hehe~ Anyways, this Sunday, may mini celebration party ako. Punta ka ha?"

Napaisip ako. Sunday din ang event ni Pablo, pero mabilis kong naisip na makakadalo naman ako kahit saglit.

"Okay, Doc! I'll be there!"

"See you! Mwa-mwa, love you!"

"Love you too!" sagot ko bago ko ibaba ang tawag.

Pagkatapos, hinarap ko si Pablo at sinagot ang tanong niya kanina. "Sorry, Mahal. May celebration party si Justin sa Sunday kaya hindi ako makakasama. Pasensya na."

"Okay lang. Mas importante ang milestone ng kaibigan mo." sagot niya, sabay ngiti.

Sorry sa maliit na white lie, Mahal, sabi ko sa isip ko. Alam kong mahalaga ang party ni Justin, pero mas importante ang sasabihin ko sayo sa Sunday.

TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon