PART 144 🎭

342 17 11
                                        

THIRD-PERSON POV

Sabay sabay na tumunog ang phone ng mga reporters, pag open nila ng link, napatingin silang lahat sa binatilyong naka upo sa bandang likuran.

"Mr. Nase, totoo po bang pang front niyo lang ang relasyon niyo ni Ms. Glee?" Tanong ng reporter na siyang bumasag sa katahimikan.

"Yung issue about sa Japan, ibig sababihin ba totoo iyon?"

"Ms. Glee kaya po ba kayo pumayag mag pangap na girlfriend ni Pablo, para makasabay sa kasikatan nito?" Bahagyang napakunot noo ang dalaga, pero umayos din agad ito, para hindi mahalata.

"Pablo, bakit nilihim mo ang totoong karelasyon mo, nahihiya kaba dahil lalaki ang gusto mo at PA mo pa?"

Hindi magka ugaga ang mga reporters sa sunod sunod na tanong. Bakas naman sa muka nang tatlo pati nadin ng MC ang pag tataka, kung bakit ganun nalang ang mga tanong ng mga ito.

"Excuse me, everyone. This is a press conference focused on the show. Can we please stick to questions related to that? Personal questions are not appropriate here, so let's keep it relevant, thank you." Matigas na sabi ng MC, sinenyasan na kasi ito ng management. Wala din kasing alam ang mga ito, tila ba ang information ay para lamang sa mga reporters.

"Curious lang kami, dahil pare pareho naman kaming nakatanggap dito, tama?" Tanong nito sa mga kasama, at sumang ayon naman ang mga ito. "Base sa picture niyo ng PA mo Mr. Nase, ano nga ba talaga ang totoong relasyon niyong dalawa. Hindi kasi ito normal para sa magkatrabaho lamang.

Itinaas ng reporter ang laptop nito, at isa isang ipinakita kay Pablo ang mga larawan nilang mag nobyo. Sa unang larawan, makikitang magkadikit ang mga pisngi nito habang naka upo sa sofa, sa pangalawa naman kitang magkayakap ang dalawa, at ang pangatlo naka salabay si Stell sa nobyo habang nakahalik sa pisngi nito.

Nanlaki naman ang mga mata ni Pablo, hindi niya alam kung paano napunta sa mga reporters ang mga ito.

"Muka naman pong totoo ang mga larawan, at imposibleng edited ang mga ito, gusto lang naming maliwanagan kung ano ba talaga ang totoong relasyon niyo ng PA niyo, at kung totoo bang nag papanggap lang kayo ni Ms. Glee."

Gusto man mag salita ni Pablo para ipag tanggol ang nobyo, pero naunahan ito ng takot, takot na baka may mali siyang masabi at mas mapahamak pa si Stell nang dahil dito.

"Kung hindi masagot ni Mr. Nase, bakit hindi natin tanungin ang PA nito." Nag baling ng tingin ang lahat kay Stell, at ipinakita ang mga larawan nilang mag nobyo. "Ano ba talaga ang relasyon niyo ng boss mo?"

STELL'S POV
Hindi ko na makontrol ang pag nginig ng katawan ko sa sobrang takot, nahihirapan nadin akong huminga, nag didilim nadin ang paningin ko, pakiramdam ko anytime babagsak nalang ako. Gusto kong magpakatatag pero ina anxiety na ako, dahil sa mga matang mapanghusgang nakatingin sa akin.

Gustong gusto ko ng tumakbo, at mag tago nalang sa kanilang lahat. Pero, tila ba'y napako ako sa kinauupuan ko. Sa sobrang takot na harapin at sagutin ang mga ito, napayuko nalang ako at pilit na nilalabanan ang mga luhang gusto ng kumawala sa mga mata ko.

Hindi ko lang gets kung paano nila nakuha ang mga larawang iyon, alam kong ako lang ang may kopya non. Dahil phone ko ang ginamit namin ni Pablo, kaya imposibleng makuha nilang lahat iyon, dahil never ko namang pinost ang mga larawang iyon. Kaya paanong nakuha ng mga reporters, paano..

THIRD-PERSON POV

"Excuse me." Napatingin ang lahat nang magsalita si Felip sa harap "Mali ang hinala niyong lahat. To be honest, kababata ko si Stell." Smiled "Ako, si Pablo at Stell, magkakaibigan po kaming tatlo." Medyo gulat ang mga tao "Kaya tama kayo, hindi lang PA at boss ang relasyon ng dalawa, dahil close talaga sila, kaming tatlo. Hindi lang kami pala post, dahil nirerespeto namin ang desisyon ng kaibigan namin na maging pribado ang buhay nito."

TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon